CHAPTER 38

30 3 0
                                    

SEULGI

10PM that night.

Nagkatampuhan na naman ba kayo?

Opo Tito eh. Sorry. Ayaw niya kasi akong payagang sumama sa Regional Meet.

Oo nga pala. Congrats. Nabalitaan ko ngang napasama kayo ni Moon BYul. Kailan ba kayo aalis?

3 weeks from now pa naman po. After ng Final Exams. Sa Libertad po kami magtetrain ng 2 weeks. Tapos punta na po kaming Manila.

Sabihan mo ulit ako kung kailan ha. Bibigyan kita ng pocket money. Tsaka, naalala ko. Okay na yong kontrata nila Kim at Son. Good job. Mukhang hindi ako nagkamali sayo. May eemail ako mamayang documents. Pag aralan mo ulit. Then tell me if mag iinvest ba tayo or hindi.

Ah sige po Tito.

Heto ang susi ng kwarto niya. Hindi po nagbubukas ng pinto si Senyorita. Sabi ng katulong nila

Ikaw na bahala sa anak ko. Kahit ayaw niya, just go. Wala na naman yang magagawa kung nakaalis ka na. Pagbutihan mo. Magaling kang maglaro. Proud ako sayo.

Maraming salamat po Tito.

Sige na. Puntahan mo na. Nagpapalambing lang yan. Hindi ka naman kayang saktan nyan physically.

Hindi na ako kumatok. Agad kong sinusian yong pinto. Nakaheadset pala siya habang nakatalikod sa pinto.

Nagbabasa ito ng Medical Book.

Amoy mo palang alam ko na.
Bigla itong nagsalita, sabay baba ng headset niya

Sabi ng Daddy mo kung ayaw mo akong payagan, magbreak nalang tayo. Dahil hindi ka supportive girlfriend. Sabi ko, aayusin ko muna, pag ayaw talaga. Wala na akong magagawa. Seryosong sambit ko

What? Nagsumbong ka? I hate you talaga.

Agad akong ngumiti.

Palibhasa alam mong mahal ka ni Dad.

Oo naman. Sabi niya din bibigyan niya ako pocket money. Para maghanap ng bagong syota na taga Manila.

Try mo lang.

I missed you.
Niyakap ko siya

Andaya mo. Sumbongera nga. Sinabi talaga ni Dad yun?

Tanong mo kung ayaw mong maniwala. Kanina pa kaya ako dumating, pero kinausap niya muna ako about Business.

So ikaw na pala ang ang tagapagmana?

Baka. Matigas daw kasi ang ulo mo. So, baka ampunin niya ako, tapos ikaw ipatapon sa kabilang isla.

Puro ka kalokohan.

Can we talk?

Oo naman. Akala ko nga hindi ka na dadating.

Ayoko din sana pero pinilit ko nalang ang sarili ko. Baka kasi mawalan ako ng babaeng pinakamamahal ko.

Kinilig na siya. Oh di ba? Sabi sa inyo, iba ako manuyo eh. Nagiging corny ako.

Lalabs, please. Ayokong magkatampuhan tayo kasi. Minsan lang naman to sa buhay ko. Gusto ko lang pagkatiwalaan mo naman ako at suportahan.

Oo na. Nakapag isip isip na din ako. Pinagalitan na din ako Ni Mommy dahil nagkwento ako kung bakit nag away tayo. Masyado daw makitid ang utak ko at selfish ako. Hindi daw ako marunong sumuporta sa mga pangarap mo.
Nakangusong sumbong niya sakin

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon