CHAPTER 27

26 4 0
                                    

SEULGI

Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko lalo na kina Joy dahil halos araw araw nila akong pinupuntahan sa bahay.

Alam kong curious sila sa pag iyak ko noon, pero wala akong lakas na loob na magkwento dahil ayoko ding magalit sila kay Cassandra.

Tama na yan Erp. Lasing ka na. Saway ko kay Lisa

Ayos lang ako erp. Masayang kasama pala tong mga kaibigan mo.

Byul.
Humingi ako ng tulong sa kanya

Kanina ko pa yan inaagawan ng tagay pero kumukuha pa din. Wala na tayong magagawa erp, masyado siyang nag eenjoy. Hayaan mo na. Dito mo nalang patulogin.

Alam mo namang wala ng bakanteng kwarto dito. Hindi ko din siya pwedeng patulogin kay Yeji dahil nag aaral. Baka kulitin lang, or worst magsuka pa dun.

Eh ayaw paawat erp eh. Hindi din pwedeng tawagan si Jennie, pati tayo mapapagalitan. Sagot niya

Napakamot nalang ako ng ulo. Naghanap nalang ako ng extrang mga comforter para may higaan kami sa sala. Hindi din kakasya sina Tzu sa kama ko.

Ikaw din tama na. Pipikit na mata mo.
Saway ko din Kay Tzuyu

Hindi na ako tumatagay promise. Namumula lang talaga ako.

Ang ingay na din ni Rose at Joy habang nakikipagkulitan kay Lisa. Kaya sinarado ko na ang mga bintana at pinto. Inon ko nalang ang aircon sa kwarto para hindi masyadong mainit. Nakakahiya naman kasi sa kanila, mga sanay kasi ang mga to sa aircon.

Mauna na ako mayamaya. Hinahanap na ako ni Dad. Bulong ni Byul

Kaya mo bang magdrive?

Ako pa? Oo naman. Wag kang mag alala mag iingat ako. Text kita pagdating ko. Wag mo na yang pauwiin, hindi na niya kayang magdrive.

Sige. Ako na bahala.

Pangatlong litro na nila ng whisky. Nakailang shots palang ako dahil tumatao ako kanina sa tindahan ng wala pa si Yeji.

Pasimpleng umalis si Byul para hindi na pigilan ni Lisa.

Ayos ka lang ba? Gusto mo kape? Tanong ko kay Tzuyu na nakikitawa sa usapan ng tatlo na puro green jokes

I am fine. Thank you. Promise hindi ako lasing. Medyo mabigat lang ang ulo ko pero hindi naman ako nahihilo.

Huy! Ano yan? Daya kayo. Iyo na yan Tzuyu.

Si Lisa talaga ayaw paawat. Pag itong si Tzuyu nalasing talaga. First time ko siyang makikita.

Sabi ko tama na.
Saway ko

Konti nalang naman. Tulongan nalang natin maubos para makapaghinga na tayo. Magliligpit ka pa dito.

Tagay pa ba to?
Reklamo ko ng pagdating sakin ay punumpuno na naman

Hindi ka pa naman lasing. Tsaka marami kang pass kanina. Bawal magreklamo. Yelo lang yan.

Bugok ka talaga.
Sagot ko nalang kay Lisa

Ramdam na ramdam ko yong init ng ininom ko na.

Ganyan dapat! Puro pa reklamo iinumin mo naman pala. Oh ikaw na.

Tangina ang bilis nilang tumagay na tatlo. Kay Tzuyu na naman ulit. Itong isa din mukhang nawili na sa alak.

Magpahinga na kayo sa kwarto. Ako na ang uubos nito. Utos ko ng konti nalang ang laman ng bote

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon