CHAPTER 21

26 2 0
                                    

SEULGI

Nasa dug out kami at naghihintay na matapos ang First Game. Simula na ng Conference.

Nakapikit kaming lahat at nagmemeditate.

Okay girls! Tapos na ang first game! Ihanda niyo na ang mga bola para makapagwarm up na kayo.

Yes Coach!

Sa SMC ang first game namin dahil sila ang first naming makakalaban. Maganda din ang record nila. Parati silang nasa top 4.

Hindi gaya ng YGE. Pachamba yong pagpasok sa Semi Finals. Mukhang nauna ng lumabas yong SMC dahil biglang lumakas ang tilian.

Bigla akong kinabahan dahil halos puno pala yong GyM nila. Ang tatangkad din ng kalaban namin.

Nagstretching na kami sa likod kanina kaya deretso na kami sa three points area.

Kinapa ko muna yong pulso ko.

Alexis!!!!!!!! We Love You!!!!

Nagulat pako. Ako ba yun or may Alexis din sa kabila?? Sinundan ko yong pinanggagalingan ng boses.

Natawa nalang ako ng makita ang mga kaibigan kong sina Rosé, Joy at Jisoo.

Kumaway nalang din ako ng kumaway sila. Mga siraulo talaga, talagang ginawa nila ang plano nila. Akala ko binibiro lang nila ako sa GC. Mga Hayup talaga.

Hinanap ko naman kung nasaan si Irene. Nasa kabilang side pala siya kasama sina Karina, Yeji, Kuya Sehun at Ate ni Jun??? Baka may kamag anak silang nasa SMC. Pero ngumiti siya sakin kaya kumaway nalang ako.

Goodluck!

Thank you!
Sagot ko din

Seulgi! Goodluck!
Nandun din pala sina Tito at Tita Mga magulang ni Jennie kasama si Chiquita

Nagflying kiss naman ako sa kanila.

Seulgi, Lisa, Byul, Leslie at Samantha.
Tawag ni Coach samin

Lumapit naman kami.

Yong number 7 at number 9 nila. Sila yong star player. Mataas ang average pts. Nila sa shooting kaya wag niyong hayaang makatira lalo na ng tres. Yong kinse yong pointguard nila, mabilis ang kamay niyan. Kaya always check your behind Seul. Wag niyong iwanan si Seulgi kahit nakuha na niya ang inbound, mahilig silang mag man to man at mag press defense kaya dapat, mata sa bola at mga kasama ninyo. Wag na wag kayong kakaban, kaya natin sila. Tiwala lang sa mga kasama lalo na sa play na ididikta ni Seulgi. Byul, Seulgi. Pag walang bantay tira lang ng tira ng tres. Make sure makuha mo ang rebound Lisa or ikaw Sam. Backs out. Importante yan sa rebound. Ilagan niyo ang mga siko nila. Maliwanag???

Yes. Coach.

Focus sa Game, focus sa bola. Don't be distracted sa ingay ng audience. Pag nakascore ang kasama ninyo ano'ng gagawin?

E acknowledge!!!
Sagot naman naming lima

Wag masyadong agressive. Sensitive ang mga referee na yan. Pero kung medyo nananakit na sila, kuhaan niyo ng foul. Be an actress. Strategy lang. Sige na. Lisa yong free throw mo. Kalmahan mo muna bago release.

Yes Coach.

Wow, pressure is real. Pointguard kasi ang position ko dahil ako ang pinakacute. Joke lang. Pandak pala.

Halos majority ng crowd ay SMC. Ang lakas ng sigawan ng ipakilala na ang first five eh.

Focus sa Goal, Focus sa bola. Blank Panther let's go! Sigaw ni Sam, Team Captain namin

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon