CHAPTER 52

37 2 1
                                    

YEJI

Sa wakas nakagraduate na din ako ng College.

Ang galing mo talaga.

Thank you Ate. This time ako naman ang babawi sayo.

Hindi naman kita sisingilin. Syempre kapatid kita, hindi kita pababayaan.

Niyakap ko nalang si Ate. Saksi ako kung gano siya naghirap para makagraduate ako. 

Congrats!!!
Sigaw naman ni Ate Lisa

Thank you mga Ate.

Andun din kasi sina Ate Lisa at Ate Rosé, Ate Joy at Ate Wendy, Ate Byul at Ate Solar.

Congrats.
Nilapitan naman ako ni Ryujin

Congrats din sa'yo.
Sagot ko

Congrats Ryu. Bati ni Ate

Salamat Ate Alexis. Mauna na ako.

Isang taon ng break si Ate Seul at Ate Tzuyu. Parating busy si Ate Tzuyu, parati na din silang nag aaway hanggang sa makipagbreak na nga si Ate Tzuyu.

Hindi naman binawi ni Tito samin yong mga binigay na. Pero mapride si Ate, kaya kami ang kusang nagbalik sa kanya.

Sa Company ngayon ni Ate Rosé si Ate Seul nagtatrabaho.

Congrats Yeji.
Nilapitan naman kami ni Ate Cassandra

Salamat po. Nasaan po si Karina?

Andun busy pa. Saan ba kayo after this? Sasama nalang kami.

Kakain sa resto. Sagot ni Ate

Okay. Teka tatawagin ko lang si Karina.

Nilapitan din ako ni Ate Tzuyu pero umiwas na si Ate Seulgi. Nauna na itong umalis.

Napabuntong hininga nalang ako. Parehas silang mapride kaya walang nauunang kumilos para maayos sila.

Tamang tama, kailangan namin ng Software Engr. Sa lab. Sabi sakin ni Ate Lisa

Pero kukuha pa po ako ng Board Exam.

Makapaghintay naman ang position mo. Next year pa magreretired yun kaya tamang tama lang.

Salamat Ate.

Oo naman. Pamilya tayo di ba?

Ngumiti lang si Ate Seulgi. Hindi na ito ang Ate kong makulit at palabiro. Halos hindi na din ito nagkwekwento. Balik Food Rider siya ngayon dahil sa pang tuition ko at para sa bahay.

Wala na din ang tindahan namin dahil wala ng magbabantay at halos wala na din kasing laman.

Umuwi na kami kaagad dahil papasada pa daw si Ate. Umayaw siya sa inom.

Pwede bang magpahinga ka nalang ngayon Ate? Kahit ngayong gabi lang? Tanong ko habang nakaangkas

Baka putulan tayo ng kuryente dahil hindi pako nakakabayad Yej. Yong pambayad sana eh binayad natin sa Graduation mo. Kaya kailangan kong bumyahe ngayon para kahit yong isang buwan lang muna mabayaran ko. Meron naman ako dito pero mazezero kasi talaga tayo kung hindi ako aalis ngayon.

Nalungkot naman ako. Pumayat na naman kasi si Ate eh. Inuubo pa ito.

Nagpacheck up ka na di ba?

Sa susunod na. Sagot lang niya

Hinatid lang niya ako at saka na umalis ulit. Nagsindi nalang ako ng kandila sa altar.

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon