SEULGI
Nagising ako dahil nilalamig na naman ako. Inabot ko yong cellphone ko. Alas tres palang pala ng hapon.
Tinext ko si Yeji. Pero si Jennie ang pumasok.
Let's check your temp.
Masakit lalamunan ko.
Halos wala ng boses na lumabas sakinLet's go sa Hospital na please.
Umiling ako.
I'll call Tzuyu. Sabi niya
Umiling ulit ako.
Antaas ng lagnat mo. Mag electric fan kana lang. Are you hungry?
Wala akong gana. Sagot ko
But you need to eat to regain your strength. Ginawan ka na ng Juice ni Yeji, may dalang fruits si Cass. Iniinit ko na din ang tinolang manok.
Binuksan niya ang mga bintana ng kwarto. Nakasunod lang ako sa bawat galaw niya.
Nagulat talaga ako kanina ng makita ko siya, akala ko nagdedeliryo lang ako kaya pilit kong inaway at baka mawala, pero ng mag usap sila ni Cassandra, dun ko lang narealize na hindi ako nag iimagine.
Bawat dantay ng bimpo sa balat ko ay parang masakit. Kaya napapapiksi ako.
Heto na Ate.
Pumasok na si YejiMainit pa din ba?
Oo eh. Pero ayaw namang magpadala sa Hospital. Sumbong niya
Kaya mo ba Ate? Nilapitan ako ni Yeji
I am fine. Ipapahinga ko lang to.
Wala kana ding boses.
Nginitian ko lang si Yeji.
Nagbukas kana ba ng tindahan? Tanong ko
Hindi pa kami tapos mag ayos at maglagay ng price ni Kuya V. Gumawa palang kami ng yelo. Baka bukas na lang. Pinahatid na ni Ate Lisa si Mimi tapos nagpadala din sila ng prutas kaya damihan mo ng kain dahil sayang kung mabubulok lang sa sobrang dami. Gagawa nalang ako ng fruit salad mamaya na may All purpose.
Tumango lang ako.
I need to pee.
Dalawa nga sila ang umalalay sakin dahil nahihilo ako.
Ramdam ko din ang init ng ihi ko.
May gusto ka daw bang kainin? Nagtext si Ate Byul.
Palutuan niya kamo ako ng bulalo sa Chef nila. Natatawang sagot ko
Sosyal ha.
React naman ni YejiI'm craving now.
Reklamo naman ng buntisBasta wag lang ako ang paglihian mo at baka mapagkamalang magkapatid ang mga anak ninyo ni Cassandra.
Asa ka.
Sungit talaga. Pero gumaganda siya lalo.
Hindi ka na nga makapagsalita ng maayos nakuha mo pang magyabang. If i know kaya ayaw mong magpahospital dahil natatakot ka sa injection. Eh kung ako kaya ang tumurok diyan sa dila mo?
Grabe talaga ang bunganga. Walang preno.
Inarapan ko lang siya.Hindi nalang ako sumagot dahil masakit ang lalamunan ko at inubo na naman ako ng inubo.
Yan kasi. Kung nanahimik kana lang sana di hindi sasakit lalamunan mo.
Gutom nako. Sagot ko nalang
BINABASA MO ANG
Wala Na ba talaga
General FictionI choose to love you in silence For in Silence their is no rejection ----warning--- Some scenes may contain words not suitable for minors. Please be guided. Rated SPG... This is just a work of fiction.