CHAPTER 35

27 2 0
                                    

BYUL

Maaga akong nagjogging, preparation para sa try out namin mamayang alas diyes. Hindi ako sinipot ni Seulgi. Baka napagod. Charot.

Erp!!!
Napalingon ako

Oh. Ang aga mo ata.
Bati ko kay Lisa

Hindi ako makatulog eh kaya tumakbo nalang ako. Mag isa ka lang? Asan si Bunot?

Ewan ko. Inindyan ako eh. Baka pinagod ni Tzu.

Natawa nalang si Lisa. Pero napansin kong mukhang puyat nga ito.

Kape nalang tayo diyan sa tindahan. Aya niya sakin

May problema ka ba? Parang haggard ka ah. Puna ko ng makaupo na kami

Nagkape kami ng 3 in 1 sa tindahan.

Hindi ko alam erp. Nahihiya akong magkwento sayo.

Sakin ka pa nahiya? Talaga lang ba? Kailan ka pa nagkaroon ng hiya sa katawan mo? Biro ko

Seryoso erp. Malaki ang problema ko.

Mukhang malaki nga. Hindi na kasi ito natatawa sakin.

Pero promise mo erp ha. Sekreto lang natin to. Lalaki sa lalaki erp. Seryoso ako.

Takang taka na ako. Kung lalaki nga lang kami iisipin kong nakabuntis ito ng iba eh.

Lately kasi parati na kaming nagtatampuhan ni Jen. Pareho kasi kaming busy, ako sa Dance Club siya naman sa studies niya.

Hmmm. Tugon ko lang

Hindi ko alam erp eh. Ang hirap eexplain.
Pero parang i fall out of love na kasi sa kanya.

Muntik na akong mapaso ng kape.

Seryoso ka ba? May ibang babae ka noh?
Tanong ko

Tatlong taon na akong kasal sa iba erp.

Tawang tawa ako. Gago to. Joke time pa din pala.

Tangina Byul, seryoso ako. Halika sa bahay namin, para malaman mong hindi ako nagsisinungaling sayo.

Teka lang. Tatlong taon? Tatlong taon na din naman kayo ni Jennie di ba? Nauna lang ako ng konti, tapos kayo, tapos si Seul at Tzu.

Oo. December 24 kami ikinasal. Remember ng nagbakasyon kami sa Thailand nila Daddy? Kasal ko yun erp.

Tangina. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako or pinaprank niya ako eh. Pero ipinakita niya sakin yong Marriage Certificate niya na sa Phone.

Putangina si Rosé? Gulat na gulat ako

Sorry erp kung tinago ko. Pero ayaw kasi ni Rosé na malaman din ni Jennie dahil ayaw niyang masaktan ako at mag away kami. Pero mukhang nahuhulog na ako kay Rosé erp. Wife Material siya.

Gago, gulo to Erp. Lalo na pag nalaman ni Seul. Alam mo naman ang nangyari sa kanila dati di ba? Sinulot mo si Jennie sa kanya. Wika ko

Makasulot naman. Hindi pa naman sils that time. Tsaka tinesting ko lang naman yong friendship namin ni Seulgi. Pero hindi ko naman iniexpect na magpapaubaya siya Erp.
Yong iniexpect ko ipaglalaban niya din yong feelings niya with Jennie.

Gago, ka talaga Lisa. Alam mong mas uunahin tayo ni Seulgi kesa sa sarili niya. Sinabi ko na yan sayo noon. Kaya naibaling niya yong feelings niya for Jennie kay Cass. Tapos ganito lang ang gagawin mo kay Jennie? Do you think if ever magkaalaman maniniwala si Jen na walang alam si Seulgi? Bestfriend natin siya erp. Gago ka talaga. Hindi ka ba talaga nag iisip? Okay na tayo eh.

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon