CHAPTER 17

26 1 0
                                    

SEHUN

Inabangan ko si Cass sa labas ng SMC. Sinundan ko siya hanggang sa pumasok ang kotse niya sa bahay nila Seulgi.

Pasilip silip muna ako kung sino ang kasama niya. Pero may tindahan pala kaya bibili kunyari ako.

Pagbilhan nga po!

Ano po yun?

Yeji?

Kilala niyo po ako?

Ang laki mo na. Ako to, Kuya Sehun. Hindi ko na siguro ako naalala. Ang liit mo pa kasi noon eh. Andiyan ba sina Tita?

Po? Si Mama?

Oo. Pakisabi si Sehun.

Ah. Sorry po Kuya Sehun. Pero last year pa po namatay yong mga magulang ko.

Ha?

Parang bigla naman akong nafreeze. So ibig sabihin, ulila na pala sila? Bakit hindi ko nalaman?

Sorry. Kababalik ko lang kasi dito sa Santa Felicia. Sorry talaga hindi ko alam.

Okay lang po. Tagadito po ba kayo?

Ah hindi. Barkada ako ni Seulgi, Lisa, Byul. Pinsan ko naman si Jennie at Solar. Baka kilala mo sila. Kaibigan ko din si Cassandra.

Ahhh. Kilala mo pala sina Ate. Pero wala si Ate Seul eh. Bumiyahe.

Bumiyahe?

Rider kasi si Ate. Parang grab na parang lalamove.

Ahhh.

Sino yang..
Natigilan naman si Cassandra ng mamukhaan ako

Cass. Magandang gabi.
Bati ko

Ang layo naman ng inyo para dito ka pa bumili.

Ngumiti ako dahil hindi siya nagtaray. Siguro dahil kay Yeji.

Ah, hindi mo na ba naalala ang Kuya Sehun mo Yej? Tanong niya

Parang pamilyar yong name pero Kuya, sorry ha. Memory loss.

Natawa naman ako. Joker din pala tong kapatid ni Seulgi. Kung ganun, ganito na din kalaki si Karina? Magkasing edad lang kasi sila ni Yeji sa pagkakatanda ko.

Pasok ka, pero wala si Seulgi eh.
Aya sakin ni Cassandra

Andito naman kayo. Pero okay lang ba Yeji? Hindi mo kasi ako natandaan eh.

Ah okay lang Kuya. Kilala ka naman ni Ate Cass. Etetext ko na lang si Ate Seul.

Ah sige. Salamat.

Sipag naman ni Seulgi. To think na malapit na ang finals namin.

Sa bahay ako pinapasok ni Cass. Medyo mga ilang dipa din ang layo sa tindahan.

What are you doing here?
Agad niyang tanong

Sabi mo di ba, mag uusap tayo.

Pero hindi dito. Bahay to ni Seulgi.

Can we talk somewhere else? Sa fave place natin?

Not now.

I missed you.

Hindi ito sumagot.

Kung anuman ang sinabi sayo ni Jun noon hindi yun totoo. Wika ko

Ano ba ang sinabi niya?

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon