CHAPTER 51

21 2 0
                                    

JENNIE

Hindi ko aakalain na makikita ko ang mga dating kaibigan ko sa Wedding Anniversary namin.

Wala naman kasing sinabi si V na inaya niya pala sina Seulgi.

You okay now? Tanong niya kinaumagahan sa resort

Hindi naman ako lasing. Sagot ko

So hindi pa kayo okay ni Seulgi?

Bakit naman kami magiging okay? May kasalanan ka pa sakin. Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na inaya mo pala sila?

Surprise? But sorry. Pero namimiss mo naman sila di ba?

Paladesisyon ka na ngayon.

Come on, Jen. Kahit hindi ka nagsasabi sakin alam kong namimiss mo sila. Ang sabi ko sayo noon, ipakita mo sa kanya na mahal mo siya, pero ano'ng ginawa mo? Itinaboy mo yong tao. Ganyan ka ba magmahal?

Pwede ba Vlad. Wala ako sa mood makipag argument sayo. Ilang beses na ba natin tong pinag usapan? Hindi ka ba nagsasawa sa paulit ulit nalang?
Nayayamot kong wika

Gusto ko lang makita ang totoong ngiti ng asawa ko.

Napakunot noo ako.

What are you saying? Lasing kapa din ba?

Hindi ako manhid at bulag Jennie. Alam ko kung gano mo siya kamahal. Nakikita ko sa tuwing nakatingin ka sa kanya. Nakikita ko kung pano ka magselos sa tuwing magkasama sila ni Cassandra. Dinaig mo pa si Junmyeon. And simula ng ikasal tayo hanggang ngayong isang taon na tayo, you never smiled like you did whenever you're together before. Yong mga araw na okay pa kayo. Walang Cassandra, walang Tzuyu. Oo huli na tayong nagkakilala, pero nakikita ko na kayo noon pa man sa tuwing isinasama ako ni Jun sa Family Gatherings ninyo.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ano'ng gusto mong gawin ko? Makipag kumpetensiya sa attention niya? Hindi ka naman pala bulag, so hindi mo ba nakikita na masaya na siya kasama si Cass?

Iba si Cassandra, iba ka Jennie. Hindi mo din ba napapansin na parati siyang nakatingin sayo? Siguro gusto niya ding makipag bonding sayo, but you keep pushing her away. Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Hindi man tayo nagmamahalan bilang mag asawa, pero naging magkaibigan na din naman tayo and seeing you like this, nasasaktan din ako. How am i supposed to enjoy kung nakikita kong nasasaktan ang kaibigan ko?

Andami mong alam. Tugon ko lang

Please give yourself a chance na maging masaya naman Jen. And you know exactly what is missing in your life. Friends.

Napabuntong hininga nalang ako.

I even expecting na aawayin moko dahil nandito din sina Lisa at asawa niya. Pero mas inaaway mo ko dahil kay Seulgi. Tama ako, you never loved your ex as much as you love your Bestfriend.

Napatulala nalang ako.

Kumakain na kami ng lunch pero hindi ko pa din nakikita ang mukha ni Seulgi. Siya lang yong wala sa table.

Nasaan nga pala si Bunot?
Narinig kong tanong ni Lisa

Tulog pa. Inumaga na kasi sa kakainom tapos nakatulog pa sa upuan.
Natatawang kwento ni Jun

Uminom pa pala kayo ulit kagabi?
Tanong ni Jisoo

Oo, ikaw lang naman tong nang iwan.
Sagot ni Vlad

Nahihilo na kasi ako. Buti nga hinatid pako ni Seulgi sa room ko eh.

Malamang malala yong hangover kaya hindi pa bumabangon.

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon