CHAPTER 05

35 3 0
                                    

IRENE

Kakaalis lang ni Ate Sunmi ng dumating ang pinadeliver kong Milktea sa fave rider ko.

Ahhh. Sobrang init grabe. Baka pwedeng lakihan mo naman ang tip mo Maam.
Aniya

Oh. Inabutan ko siya ng bente.

Wow. Salamat Maam. Galante din po pala kayo. Hindi na piso or limang peso. Bente na. Upgraded na.

Ayaw mo ba? Tanong ko

Syempre hindi. Pengeng malamig na tubig.
Inabot niya ang dalang tumbler

Nilagyan ko muna ng yelo bago lagyan ng tubig. Ang init init nga pero ayaw namang tumigil.

Nagdala nalang din ako ng malamig na tubig na nasa pitsel.

Thankie.

Ang itim mo na. Yuck.

Oo nga eh. Wala akong choice.
Sagot niya

Wala ka bang ikikwento? Tanong ko

Hmmm. Wala namang exciting na nangyari sa buhay ko. Binilhan ni Jennie ng comp. Set si Yeji. Naipaayos ko na ang bubong.

Napataas ako ng kilay.

Pag yong isang Bestfriend mo tumulong okay lang, pag ako hindi?

Ayan na naman po siya. Tugon lang niya

Ilang beses ko na bang sinabi sa yo na papagawa ko yong bubong niyo? Na maraming kailangang ayusin sa bahay mo. Anupa't Architecture student ako

Hep hep Okay na. Sorry na.
Pagpapatigil niya sakin

Ano ba talaga ang relasyon niyo?

Irene naman. Paulit ulit? Nagseselos ka ba?

Hindi ko din alam ang nararamdaman ko. Naninibago ako sa mga emotion ko sa tuwing magkasama kami ni Seulgi. Masaya ako, parati ko din siyang namimiss. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko siya nasusungitan.

Ang unfair lang kasi, parehas lang naman kaming bestfriend mo. Pero siya si Babe? Ako? Bakit wala akong endearment?

Ngiting ngiti naman siya na parang nakakaloko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Seryoso ka ba teh? Ayaw mo namang tawagin kitang Ate o Maam.

Bakit kapatid ba kita? Teacher mo ba ako?
Sagot ko

Ha? Ang lala na naman ng toyo mo ngayon.
Hindi ba makukumpleto ang araw mo kung hindi ka tinotoyo?

Nagbabangayan na naman kayong dalawa.

Ay, andito pala kayo Maam. Magandang hapon po. Bati niya sa Mommy

Maam ka ng Maam. Amo mo ba ako?

Muntik na akong mabulunan dahil sumipsip ako sa Milktea.

Hanep naman.
Napakamot nalang siya ng ulo

Dito daw magdidinner si Jun. Ikaw na ang mag asikaso muna at may pupuntahan lang ako. Maaga namang uuwi ang Daddy mo. Dito kana din magdinner Alex. Para makilala mo naman ang future husband ng kaibigan mo.

Ngumiti lang si Seulgi.

Siya, maiwan ko muna kayo. Sige, magbangayan na kayo ulit.

Mag ina nga kayo noh? Lakas ng trip niyo.

Oo naman. Kung naiiba ako di sana kinikwestiyon ko na ang existence ko sa bahay na to. Sagot ko

Pigil na pigil naman niyang mainis sakin.

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon