CHAPTER 20

47 3 0
                                    

SEHUN

Hindi maalis sa isipan ko ang banta ni Jun. Alam kong may kakayahan siyang gawin yun, malakas amats niya eh.

I need to be more careful in approaching Cassandra. Ayokong madamay si Seulgi sa alitan namin.

Ang lalim naman ng iniisip mo.

Hi Dad.

Si Cassandra pa din ba anak?

Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya Dad. Alam po ninyo na hinintay ko talaga ang pagkakataon na makabalik tayo dito ng buhay at may kakayanan ng makipagsabayan kina Uncle Johnson.

Andun na ako anak. Pero masyado ng maraming nangyari. Stop provoking Junmyeon. Alam mo naman na kung ano yong maisipan niya, ginagawa niya. Hindi na siya nag iisip ng consequences. Kung hindi inaayos ng Daddy niya ang mga gusot, siguro matagal na yong nakulong. Ayaw ko lang na pag initan na naman tayo. Nawala na ang Mommy mo sakin, ayoko lang na pati ikaw anak. Kung ako lang ayaw ko na sanang bumalik dito. Dahil alam ko, sa pagbabalik natin. Hindi na naman tayo magiging tahimik.

I'm sorry Dad. Pero hindi ko hahayaang makasal si Cassandra kay Jun. Kahit kanino na po, wag lang kay Jun. Hindi siya magiging masaya. Okay lang sana kung nagmamahalan sila. Kaya kong magparaya. Pero ibang usapan to.

Napabuntong hininga nalang si Daddy.

Senyor, may maghahanap po sa inyo. Sunmi daw po.

Sige papasukin mo.
Sagot ni Daddy

Uncle, Se. Good Evening. Nakaistorbo ata ako.

No. Upo ka hija.

Lalo kang gumaganda ah.

Magulat ka kung naging pogi ako bigla.

You're still the same Hija. Savage Queen.

Gusto ko sanang makausap si Sehun, Uncle. If okay lang?

Oo naman. Papadalhan nalang kita ng glass. I know you can't resist alcohol.

Si Uncle talaga. Salamat.

Bakit?
Tanong ko

Wala naman. Pero ano to.

Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ang pictures namin ni Cass na naghahalikan sa fave place namin.

Pinapasundan mo ba ako?
Nagkasalubong kaagad ang kilay ko

Pinababantayan ko si Cassandra. But i never expected this. Now, explain.

Napayuko nalang ako.

Cass, she's my first love. May first girlfriend.

What? Bakit hindi ko alam?

We keep it a secret kasi mga bata pa kami nun. That time, ayaw pa ng Daddy niya na magkaboyfriend siya. Kaya patago kaming nagkikita sa burol na yan. Diyan din kami nagdedate, bago pa nabili ng mga Manoban ang lote. Kami pa ng bigla nalang kaming ipinatapon ng Daddy mo. We never broke up. Hindi ko alam na may agreement na pala si Uncle sa Daddy ni Cassandra. Hindi ko din alam kung pano nalaman ni Uncle yong tungkol samin. Kaya nagalit siya. Dahil para daw kay Jun si Cass. Ayaw niyang masira ang usapan nila, kaya inalis ako sa picture. Dahil isa akong sagabal.

May God. Now i understand. Pero Se, sila din ni Seulgi. Ano ba tong ginagawa mo?

Hindi ko din alam. Basta ang alam ko mahal ko si Cassandra, Ate. I can't let her go again.

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon