Chapter 61 Freedom

6 3 1
                                        

Darlee POV

Matagal akong natahimik dahil sa pakikinig ko sa kwento ni Hades.

"Alam ko may galit sakin si Diana, pero hindi ko naisip na magagawa niya yung ganun" Hindi talaga ako makapaniwala.

"Believe me or not"

"Naniniwala ako sayo, hindi ko lang maisip na ganun pala kalaki ang galit sakin ni Diana. To the point na kaya niyang manakit nang iba? Kung gusto niya pala lahat nang property nang grandparents namin, sana sinabi nalang niya sakin, cause i am willing to give her all of that maging maayos lang kaming dalawa. Hindi ko naman kaylangan lahat nang yun eh, I don't need money to live. Being rich is fuck! Look at what happened now. My cousin is jealous of me all this time, just because of those properties and money. I didn't notice that kase hindi ko naman alam na mas mahalaga yun keysa sa pagiging magpinsan naming dalawa"

"Hindi mo kaylangang maguilty, wala kang kasalanan"

"Nadamay kapa sa gulo namin" Bigla kong naisip ang situation ni Hades.
"Kung hindi dahil sa away namin, hindi ka sana nakukulong sa engagement niyo ni Diana. Hindi ka sana incontrolled ngayon sa mommy mo"

"Gunusto koto, kasi mahal kita" Seryoso niyang sabi.
"Girlfriend kita kaya mas pinursue ako ni Diana. Kung hindi lang ako ang boyfriend mo, hindi naman niya ako magugustuhan eh. Ginagamit niya lang ako para saktan ka niya. I am not the victim here at mas lalong hindi si Diana, kundi ikaw"

"Yun nga eh! Kung hindi kita boyfriend, hindi ka niya magugustuhan at gagamitin"

"Nagsisisi kana ba?" Hindi ko alam kung saan galing ang tanong niya.
"Nagsisisi kaba na minahal moko?"

"Hindi, pero hindi kana sana nadamay pa"

"Kahit sa gulo at gera nang bansa pa ako madamay, hindi ko pagsisisihan na minahal kita" Natahimik nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Buti panga ako eh, may isang salita, hindi katulad mo" Inirapan pa ako.

"Bakit nanaman? Bat ako nanaman?"

"Kaya ako sumama sama kay Diana lately kasi nagseselos ako sainyo ni Justine, kahit hindi ko talaga siya mahal, sumakay ako sa trip niya para subukang kalimutan ka. Tapos nakita kopa kayo ni Justine na naghahalikan sa bahay niya, alam moba kung anong naramdaman ko nun? Gumanti ka eh, nagpaengaged kapa sa pinsan ko" Hays!

"Hindi ako gumati Hades!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Nung time na nakita mo siya sa bahay ko? Nung nagalit ka at umuwi kay Diana, tapos nagstay ka nang matagal sakaniya? Tapos nakipaghiwalay ka?" Pangongonsensya ko sakaniya.
"Nung time nayon, nung nakita mo siya sa bahay ko, doon niya sinabi na ako ang fiancé niya. Nameet niya daw ang parents ko tapos sinabi nila ako. Pinaliwanag niya sakin, kung paano naging magfiancé kaming dalawa. Ako yung nagsabi na wag munang sabihin sayo, lumalabo kasi yung relationship natin nung time nayon, naisip ko na makakaapekto pa kapag sinabi ko sayo yung totoo, pumayag din naman si Justine na wag munang sabihin sayo. At yung kanina, yung pagpapublic nang parents ni Justine, hindi namin alam dalawa yon, wala kaming idea na ipapakilala na kami sa mismong birthday mo. Hindi kodin alam kung bakit tayo napunta sa ganitong situation eh, hindi ko alam bakit ang gulo nang mundo nating dalawa. Parehas lang tayo, hindi natin kayang sumuway sa magulang naten. Siguro, kung ano nalang yung desisyon nila, yun nalang ang sundin naten? Para walanang masaktan at matapos na ang problema namin ni Diana. Pakisabi nalang sakaniya na kakausapin ko ang parents ko regarding of those properties, ipapangalan at ibibigay ko yun lahat sakaniya kung yun ang ikakaayos niya. Pati narin ikaw" Naging seryoso ang tingin niya sakin dahil sa sinabi ko.
"Ipapaubaya narin kita sakaniya. Ginagamit kaman niya o hindi, mahal kaman niya o hindi. Sakaniya ka nalang, pilitin nalang natin na ilayo ang pagmamahal natin sa isat isa. I mean magkaibigan tayo nung una, baka pwedeng magkaibigan nalang ulit tayo. Para sa ikakaayos nang mga mundo natin at sa mararamdaman nina Diana at Justine, maging makaibigan nalang tayo please?"

School 2022 (Empire Highschool)Stories to obsess over. Discover now