Darlee POV
Hindi kodin maexplain kung gaano ako kasaya ngayon, okay na kami ni Diana at nalaman kong mahal din pala ako ni tita Divine, sadyang nasa magulong era lang kami dati.
Kumakain kami ngayong nang breakfast sabay sabay kasama sina Hades at Justine.
May ngiti parin sa mga labi namin ni Diana dahil sa nangyari kanina.
"So kailan nga ulit ang balik mo sa Sweden?" Tanong ni Justine kay Diana.
"In just a few days aalis na kami, we're just waiting for my step father" Sagot ni Diana sakaniya.
Yung kasama nila ngayon at tumatayong daddy ni Diana, pangalawang asawa nalang ni tita Divine yon, matagal nang wala yung totoong daddy niya.
"May travel destination kami this coming Christmas Holiday, kung gusto niyo, samahan niyo kaming magcountdown sa Canada this Christmas eve" Pagaaya sakanila ni Hades.
"Tamang tama, wala rin naman akong ganap ngayong pasko" Sagot ni Justine.
"Diana? Why don't you join them? Wala namang special sa Holidays naten kasi tatlo lang naman tayong nagcecelebrate" Pagpapasama ni tita Divine kay Diana.
"Ikaw Darlee? Hindi ba uuwi sina Mere this Christmas?"
"Since iniwan po nila ako sa bahay nina lolo noon, hindi konapo sila nakasamang magpasko tita. Kahit nung inuwi napo nila ako sa London, hindi kodin po sila nakakasama every christmas"
"What???" Hindi makapaniwala si tita Divine.
"You mean hindi ka nila inuuwian kahit Christmas Holidays?" Curious na tanong ni tita Divine.
"Busy daw po sila lagi tita, tsaka nakakasama ko naman po yung mga kasambahay namin kapag umuuwi ako nang Pilipinas and yung mga friends kopo sa New York every Christmas kaya hindi naman po masyadong malungkot"
"Buti naman you have kind maids and trusted friends, masaya akong malaman na kahit wala sa tabi mo ang parents mo, meron paring mga umaalalay at nakakasama mo kapag importanteng araw. Pero mas masaya kung kasama mo yung mga family mo every Christmas eve, bat hindi moko tinatawagan non? Sana nasasamahan ka namin" Tita Divine.
"Next time po tita"
"Eh pano? Mag cacanada kayo ngayong Christmas?" Tita Divine.
"Next Christmas po tita"
"Narinig konga nung naaksidente ka. Uuwi sana ako non, pupuntahan kita sa hospital, sabi kasi nung chismosang maid nina Mere, hindi daw sila pumunta at dumalaw sayo. Pupunta sana ako para macheck ka kaso bigla naman akong pinapunta nang London nang daddy mo para sa emergency business meeting kaya hindi ako natuloy" Pag iiba nang topic ni tita Divine.
"Thank you sa pagaalala tita. Hindi konapo sinabi kina mommy, mukhang hindi naman po sila interesadong malaman eh. Halos kakauwi lang po nila non, walapang isang linggo aalis nadaw po ulit sila. Kaya hindi kona pinaalam sakanila, baka maistorbo lang po sila"
"I know minsan, nagiging busy talaga ang parents mo, i understand what you feel. Simula kasi nung iniwan sakanila nang lolo at lola mo yung buong business sa London, sila na nag manage. Sometimes i was there helping, but most of the time sila lang dalawa. Kaya din siguro lagi silang busy, but it doesn't mean hindi na sila nanjan para sayo. Kung nalaman lang nila na naaksidente ka noon? Uuwi sila kahit marami silang dapat gawin sa London. They love you Darlee, kapag nga nandoon ako, tinatanong ako nang mommy ko kung nakauwi ba ako nang Pilipinas at kung nacheck ba daw kita. Lagi niyang tinatanong kung kamusta kana ba daw, kaso ngayong umuwi ako dito for business hindi naman kita napupuntahan kasi medyo busy rin ako, buti nalang at nagpunta ka dito, dahil may isasagot nako kay Mere kapag tinanong niya ako kung kamusta na ang anak niya" Tita Divine held my hand.
"Intindihin mo nalang muna yung parents mo every time na wala sila jan sa tabi mo, kasi ginagawa nila yon para sa future mo. Nag iisa ka nilang anak, imposibleng hindi ka nila mahal, nung nagkaroon sila nang free time para makauwi, pinuntahan ka nila diba? Kaso ikaw yung umalis, kahit ilang araw lang yung bakasyon nila, umuwi parin sila from London to Philippines for you" Bigla naman akong naguilty sa pangiiwan ko sakanila nung time nayon.
"I understand your situation, ganiyan talaga pag teenager, sensitive" Napangiti na ulit ako dahil sa sinabi ni tita Divine.
"Give them a chance Darlee, trust me, they love you more than you know" Napaisip ako dahil sa sinabi ni tita Divine, parang may kung anong pumasok sa isip ko para maisip ko yung situation ngayon nang parents ko.
YOU ARE READING
School 2022 (Empire Highschool)
RomanceA group of girls (darlee, odette, heaven, claudia & robin) transferred to a new school for attending senior high. They'll meet a group of guys (hades, kavin, jin, colton & zero) who'll show them what's real love is. Can love find their missing piece?
