Chapter 60 Breaking the Rules

17 2 1
                                        

Claudia POV

Umalis muna kami ni Colton sa table nang mga friends namin at nagpunta kami sa table nina mommy at Yugh.

"Hello po tita Claudine, good evening" Bati ni Colton kay mommy.

"Hi Colton. Lalo ka yatang pumopogi" Puri ni mom sakaniya.

Napansin ko naman na wala si Yugh sa table.

"Mom? Si Yugh?"

"Uh. Umalis? Ewan ko, nandito lang yun kanina eh" Sagot ni mom sa tanong ko.
"Hayaan mona ang brother mo, binata nayun. Alam na niya ang tama at mali"

"Tama si tita, kaya na niya sarili niya" Dagdag pa ni Colton.

Baka may hindi na sinasabi sakin si Yugh ah?

"Kayong dalawa ang pagusapan natin. Kamusta na kayo? Alam niyo, i'm so glad na makita kayong masaya at okay dalawa. Despite all the ashes, you two are still standing" Nakangiting sabi ni mommy samin ni Colton.

"Hindi napo kasi namin maiiwasan ang isat isa, we're friends and yung memories? Mananatili napo yun saming dalawa" Sagot ni Colton kay mom.

Tama naman si Colton, yung memories namin together, hindi nayun magfefade sa utak namin, dito nayun, pang habang buhay.

"Sana, sa huli, kayo paring dalawa ang magkatuluyan" Seryoso mom? Sasabihin mo talaga to habang kaharap mo kaming dalawa?
"Ako din nasanay eh. Nasanay ako na kayong dalawa lang"

"Mom" Awat ko.

"Sana nga po" Napatingin ako kay Colton dahil sa sinabi niya.
"Sana po walang magbago. Nakakatamad napo kasing kumilala nang bago, kung sino nalang po yung nakasanayan ko, siya nalang po hanggang dulo"

"I'm really grateful to have you in Claudia's life. You know, she's very pasaway back then. Noon akala ko, wala siyang plano in the future. She all wants his dad. But you cane into her life, everything change. Despite of what your dad's did, I'm still thankful. Siya yung naging daan kung ano kayo ngayon" Tama si mommy, pakiramdam ko, mas nagmature at mas nagiisip nako ngayon.

At malaking part si Colton doon.

"Kamusta pala ang daddy mo? Is he doing good?" Tanong ni mom kay Colton.

"Okay naman po siya tita, mukhang nagiimprove na" Sagot naman ni Colton.
"Sana nga po, tuloy tuloy na"

"Good, good for him" Mom said.
"Have a seat"

"Hindi na mom, may pupuntahan pa kasi kami ni Colton" Colton is clueless of what i said.

"Okay! Nice to see you both" Malawak na ngiti ni mom.

Hinawakan ko ang kamay ni Colton at sumakay kami sa elevator saka ko pinindot yung rooftop.

Pagdating sa rooftop, dumungaw kami sa baba mula sa taas.

"Same spot, same time" Tinignan niya ang relo niya dahil sa sinabi ko.
"11:59"

"Naaalala mopa pala yon"

"Yung mga sinabi mo noon Colton, alin doon ang totoo?"

"Kaya nga kita dinala dito non, para maging totoo sayo. Lahat nang sinabi ko sayo noon totoo, nung time na yun totoong totoo ako sayo. Ang mali ko lang noon, hindi ko sinabi sayo yung plano ni dad. Aaminin ko, may mga panahon na hindi ako naging loyal sayo. Pero maraming oras na nagpakatotoo ako" Explain niya.
"Sorry Claudia. Kung hanggang ngayon naaalala mo parin yung mga ginawa ko"

School 2022 (Empire Highschool)Stories to obsess over. Discover now