Chapter 2

9.6K 189 1
                                    

CHAPTER 2

Right after ng training ay sabay sabay kaming lumalabas ng sports complex at sumasakay sa van nila ate Mich, maliban kay Jelo na may sumusundo sa kanya. Mayaman kasi.

"Walang training for 2 days hindi pa tapos si Coach sa Seminar nya." sabi ni Jelo habang nilalagay nya ang kanyang bag na speedo at mga gamit nya sa compartment ng car nila.

"Yes!" masayang talon ni Kim at Steve. "Dota na to!" sabi ni Jay. "duh? Jay yan lang ba kaligayahan mo? Dota?" maarteng tanong ni Arly habang nagsusuklay ng buhok nya. "duh! Arly? Kesa naman magsuklay nalang lagi ng buhok tulad ng ginagawa mo." maarte ding sagot ni Jay kay Arly. Tinaasan lang ni Arly si Jay ng kilay.

"Sleepover tayo after ng exam mo?" pabulong na sinabi si Anna sa akin. "bakit my bago kanang episode ng H2O?" mahina ko ring tanong sa kanya? "sshhh! Wag kang maingay para ndi maka sama sila ate mich at ate tiny, tayo lang tatlo." pabulong nyang sinabi. "my sasabihin din ako about Brian." mahina nyang sinabi na kinikilig. "kayo na ba?" tanong ko habang nagugulat ako sa pagkakilig ni Anna.

Habang nag-aasaran pa ang mga boys versus kay Arly, hinihintay din namin yung dalawang mga ate namin na hindi pa nakalabas sa gate ng pool. Nakikita ko si Jelo na naka sandal sa likod ng kotse nya, umiinom ng tubig at naka tingin sa amin ni Anna na nagbubulungan. Nagtama ang mga mata namin at nauna akong umiwas at tumalikod sa kanya at hinila si Anna sa loob ng van.

Habang pauwi na kami at tahimik ang lahat sa loob ng van dahil sa pagod at antok. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa gilid ng speedo bag ko at binasa ang mensahe...

Captain Boy:

Take Care! Goodnight!

GM

Hindi na ako nagreply, kasi GM naman baka ano ba maisip nun kung mag reply ako. Ibabalik ko na sana ang phone ko nang mag-vibrate ulit.

Captain Boy:

Sorry :(

Hindi parin ako nag reply kasi hindi naman yun big deal. Normal lang yun sa suplado na katulad nya.

Hanggang makarating ako sa bahay namin. 4:30 to 7:00 ang training namin araw-araw kaya nasasanay narin ang katawan ko sa ganong sistema ng physical training ko.

Usually mag-isa nalang ako kumakain sa bahay kasi maaga kumakain ang mga magulang ko, wala dito si kuya na Maynila, Si ate naman ay nasa kwarto na niya at nag aaral na.

Pagkatapos ko mag tootbrush, lumabas ako ng kwarto para mag-goodnight na sa parents ko nag bobonding habang nanonood ng mga teleserye tuwing gabi. Ganyan kasupportive si Dad sa drama life ng Mommy ko. Kaya naman pati si Dad nahawaan na ng kakornihan ni Mom sa mga teleserye.

Bumalik din ako agad sa kwarto at nag simula nang mag-aral sa Geometry ko dahil parang yun lang ata ang subject na hindi ko bati.

Nakita ko ang phone kong umilaw, inabot ko ito mula sa side table ko at binasa ang mensahe na natanggap ko.

Captain Boy:

Really mad? Ok!

Ako:

Huh? D ah. Wala un cap. :)

Captain Boy:

Are you sure?

Ako:

Yup! :P nyt!

Captain Boy:

K. Goodnight too!

At ibinalik ko kaagad ang phone ko sa side table ko at nag balik na ulit ako sa pag aaral. Hindi ko na binigyan ng time ang text nya kasi hindi naman ito importante.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon