CHAPTER 7
JELO POV Continuation
"okay kalang?" tanong ko habang naglalakad kami.
"okay lang, nabigla lang siguro ako sa ganun ka bilis." sagot nya habang naka pamaywang ang mga kamay nya.
"bakit pala hindi kayo umiwas? Tanong ko habang diritso ang tingin sa tatlong lalaking nag-jojogging at nauna na sa amin.
"umiwas naman kami, makukulit ngalang sila" sagot nya na parang kalmado na.
"just forget about it, they cant have you anyway... Right?" sabi ko sabay tingin sa kanya.
Nakita ko na namula ang pisngi nya nung nagtama ang mga mata namin. "hell yes!" sagot nya na parang naiirita na.
"your cute when your mad" ngumiti ako sa kanya at hinarap ko sya.
"ayan kana naman." nag pout sya and she's damn cute.
"im serious" tumayo ako sa harapan nya at tinitigan sya ng diretso sa mata.
Nagkunot noo sya at umiwas ng tingin sa akin. God, i cant take this anymore, kinagat ko ang ibabang labi ko habang tinititigan sya.
Nag titigan kami for a couple of seconds. Nakatingin ako sa mukha nya, namumula na ang pisngi nya pati ang labi nya. Napayuko sya at tinititigan ang paa nya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bigla ko nalang inangat ang ulo nya habang hawak ang baba nya. Napakunot noo sya sa ginawa ko. Hinalikan ko sya sa labi at pumikit ako ng mata.
Pagkaalis ko ng labi ko sa kanya nakita ko syang nanlaki ang mata nya at natulala. "so now your finally mine".
KATE POV
"so now your finally mine!" sabi ni Jelo pakatapos nya akong halikan sa labi. Napa estatwa ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang init ng pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang mainit nyang labi sa nagyeyelo kong labi.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang tinitinan si Jelo na nakangiti na parang nahihiya sa harapan ko.
Yumuko ako at hindi parin alam ang gagawin, gusto ko syang sampalin pero baka mavideo pa kami at makasukan ako ng physical harassment. Gusto ko syang tadyakan sa ari nya pero baka mabaog lang sya at hindi na magkaanak, sayang ang lahi nya. Gwapo pa naman. Gusto ko syang sabunutan pero matangkad sya at nakakahiya naman baka magmukha kaming war of the beckies kung gagawin ko yun.
Mas pinili ko nalang yumuko at niramdam ang init na dumadaloy sa pisngi ko.
Biglang nagpalakpakan ang mga kasama ko sa likod ko at agad na nagtanong....
"kayo na ba?" Anna asked with a big smile. Ay kunwaring hindi alam na hindi naman talaga??
"sila na, confirm!" sabi ni Kim na naka akbay kay Jelo.
"NO!" sabi ko "YES!" sigaw nya na sabay kami.
"uiiit.... Kate denial ang drama te?" tukso ni ate Mich na kinurot pa ako sa tagiliran. "ang gwapo lang ng papa mo para ideny teh!" tawa pa nito.
"ay kiss agad pala ang drama?" sabi ni Arly...."parang kelan lang kate nung inamin mo sa amin na may gusto karin kay Jelo." aniya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ito ba yung deal nila??? Ang isentro ako at paaminin?
Uminit lalo ang pisngi ko sa sinabi ni Arly, "hindi nga sabi" apela ko na habang nagtatawan sila.
"kate huh? Nadagdagan na naman ang block mail list ko para sayo" natatawang sabi ni Kim habang ginugulo ang buhok ko. Patay na naman ako nito sa chismosong to. Huhuhuhu... Iba pa naman to gumawa ng issue, may paa at kamay, maraming pakpak. Kusang gumagawa pa naman to ng novel kung makagawa ng kwento.
BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Ficção GeralNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...
