Chapter 37

5.6K 111 9
                                    

CHAPTER 37

KATE POV

Nandito ako ngayon sa famous highway ng UP at naka tayo sa tabi ng stairs, hinihintay ko si Kim na matapos ang klase nya at daanan ako dito kasi sasabay kami kay Ate at kuya Tanin mag lunch.

Nakita ko si Jelo na mag-isang bumaba sa hagdan dala ang mga gamit nya sa backpack nya hindi ako nagpahalata instead nag pabusy-busyhan ako sa phone ko. Ateng! Nakakahiya naman tong nangyayari sa akin, pagkatapos ko syang iprito kanina sa klase nya, wala na akong ilong naipapakita sa kanya.

Nakita ko sya sa pheriperal vision ko na sumakay sa car na naka park sa hindi kalayuan lang, nang makasakay na sya. Napansin ko na hindi agad sya umalis, tinted ang windows kaya wala akong idea kung ano ang ginagawa nya sa loob.

Nung umandar na ang sasakyan nya, mahina lang ang takbo nito kahit walang parating na sasakyan sa paligid, kinakabahan ako kasi baka bigla syang tumigil sa harapan ko at matunaw ako bigla.

Peeeeeppppppppppppppp!

May biglang nag overtake na car, nauna at mas mabilis na lumusot kesa sa kanyang sasakyan. Huminto ito sa harapan ko at binaba ang window.

"sorry bunso, natagalan ako. Sakay kana." sabi ni Kimboy at agad akong umikot para makasakay sa shotgun seat na tabi nya.

"thanks God your just on time!" at napa hinga ako ng malalim.

"ako pa, hahayaan ba kitang matunaw sa harapan nya?" napatawa lang si Kimboy.

Narinig ko na nagbusina sya at inunahan kami, naka sunod kami sa kanya habang dahan-dahan kaming palabas ng UP campus.

"hindi pa ba kayo nagpapansinan?" tanong ko kay Kim na nakakunot parin ang noo.

"why should I bunso, kung si Jayson at Dave nga ni hindi kayang magtext sa kanya ako pa kanya mamansin? Hindi pa naman ako ganun ka gago." sabi nya habang seryoso ang mukha.

Nakatingin ako sa likod ng sasakyan ni Jelo na sinusundan namin, napansin ko na may sign itong ∞88 sa likod, pati narin yung miniature nya kanina may infinity sign din.

"anong naiisip mo?" tanong ni Kim bigla sa katahimikan namin.

"wala, naalala ko lang yung closeness nyo before. Sayang naman yun Kim if mawala, ok lang naman sa akin ang nangyari, friendship is important." sabi ko habang naka titig parin sa sign na nasa likod ng car na nasa harapan namin.

"blood is thicker than water!" maikling nyang sagot.

"hay, naku as if naman hindi mo sya namiss, kunwari pa toh!" asar ko sa kanya.

"hoy ikaw, tigilan mo ako ha. Bubugbugin kita makita ko lang na nakikipag usap ka sa kanya" seryosong sabi ni Kim na kina ngiti ko. Hindi parin nagbabago si Kimboy. Possessive parin. Heheheheh.

Hindi nagtagal, nakarating kami sa Kawloon kung saan nandoon na sila Ate at Kuya Tanin at naghihintay sa amin ni Kimboy.

Nasurprise ako nang makita si Holley na biglang malaki ang pinagbago. Medyo tumaba ito at pumuti, naging gwapo na at weird parin pumorma.

Naging smooth ang usapan namin, bawal imention si Jelo sa harapan nila kasi puro lahat sila High blood kay Jelo.

Puro Japan at studies ko ang naging topic namin. Si Mom at Dad, si Lola at Lolo at ang nalalapit na kasal nila Ate at Kuya Tanin.

Masaya ako para sa kanila, kasi 5 years na silang mag-on pero pero never silang naghiwalay or nagkaroon ng away ng sobra-sobra.

......

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon