CHAPTER 9
JELO POV
Uwian na nandito na kami sa sa Hiace at hinihintay nalang si Kate, 3 o'clock ang tapos ng klase namin under sa varsity section, samantalang 3:30 naman ang mga non varsity.
Nandito ako ngayon sa front seat nag-eFB. Binuksan ko ang feeds ko para maki update sa mga nangyayari. Nakita ko na may nag message sa akin. Binuksan ko ito agad.
Marie Yun Go
[Hi jelo, how are you? Hindi kana nagpapakita sa amin. Long time no see na. I miss you so much. Please bond with us on Friday night. Mag beerpong kami. Hope to see you there. Muah! lovelots!]
Hindi ko nalang niireplyan ang message ni Marie baka mapahaba pa ang usapan. Sumulyap ako sa mga kasama ko sa likod at nakita silang panay ang kantyawan, gaya ng dati bida Kim vs Arly na naman.
May nag pop up sa messenger ko na message, galing kay Marie ulit.
[you'll come right?]
Agad kong kinansel ito at ni-lock ang screen ng cellphone ko at nilagay ang headfone ko sa tenga at umidlip.
15 minutes more at bababa na si Kate. Nap muna ako.
......
Nasiging ako sa isang text na nag pa vibrate ng cellphone ko.
Kate:
Parking lot na kayo? Sorry nalate ako. Coming na.
Ako:
Its ok mine, take your time.
Kate:
Sorry again.
Mag rereply na sana ako nang matanaw ko si Kate na palabas ng building nila kasama ang dalawang kaklase nyang lalaki.
Nasa gitna nila si Kate, na parang may kinukwento sila na dahilan siguro ng mga tawa ni Kate. Yung isang kaklase nya na lalaki ang may dala ng speedo bag nya.
Pagdating sa open space ng parking lot, nakita ko na inabot ng lalaki ang bag kay Kate at kinurot pa sa pingi si Kate bago sya umalis kasama ang isa pang lalaki.
Parang may inis akong naramdaman bigla. Parang may kakaibang feelings na naiirita ako sa nakita ko, yumuko nalang ako pero na nakuyom ang mga kamao ko sa siko kung naka tukod sa bintana ng van.
Tumakbo si Kate patungong van namin at sumakay na agad,
"im so sorry im late!" sabay sabi nya nung isinara nya na ang pinto ng van.
"its okay kate, we enjoy the show while waiting for you."sabi naman ni Jay.
"show ka dyan, ingay kamo!" sabi ni Tiny na naka headset narin.
"kj naman nito." pagtataray ni Arly na nag drool pa ng mata.
"sorry talaga kasi nag grouping pa kami para sa role play namin sa English" sabi nya habang nagtatanggal ng sapatos.
Hindi ko sya pinansin, kahit tinititigan ko sya sa reflection nya sa tinted glass sa harapan ko.
Sumandal ako lalo sa upuan at mas pinalakasan ang volume ng cellphone ko at nag kunwaring walang naririnig.
Natahimik ang van, napagod siguro sa bangayan ang mga kasama namin kaya super tahimik.
Nagvibrate ang cellphone ko, binuksan ko ang screen lock ko at nakita agad ang message ni Kate na nakadisplay.
Kate:
Tired? Why so silent?
Ako:
Im just out of my mood.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Ficción GeneralNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...