CHAPTER 15
KATE POV
Ako ang huling nagising sa amin, every Sunday laging kaming nagsisimba ng 6 AM mass. Boung pamilya kaming sabay mag simba.
Nagising ako sa lagapak ng paa na tumatakbo sa tabi ko, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nasurprise sa ginawa ni Kim.
"good morning!" sabay kuha ng picture sa akin. "you are really like a puppy when you wake up in the morning...hahahahha kaw nalang ang hindi pa bihis bunso..." sabay tawa at abot kay Jelo ng phone.
Nabigla ako sa nakita kong ginawa nya."Kimboy!" sigaw ko habang nag uunat ng mga kamay ko.
Umupo ako at tiningnan sila. Bihis na silang lahat, si Ate Kris naka ligo narin. Si ate kat ang nasa banyo.
Tumayo ako na parang wala sa sarili, hindi ko pinansin si Jelo na naka upo at naka bihis narin. Nakatingin sya sa akin kaya nag kunwari akong wala sa sarili kesa mag inarte at mapagalitan ni Mommy dahil ako na naman ang mahuhuli.
Doon ako naligo sa kwarto nila Daddy para walang kakumpetensya kasi alam ko naman na tapos na sila. Doon narin ako nag bihis para paglabas ko tapos narin ako.
Dumiretso na ako sa baba pagkatapos ko maligo at magbihis. Nakita ko si Jelo na naka upo sa salas at mag isa.
Nginitian ko sya na parang naglalambing at tumabi sa kanya habang nag aantay sa mga pinsan ko na hindi pa tapos mag-ayos.
"good morning!" bati ko sa kanya at agad na umupo sa tabi nya at ngumiti.
Ngmiti din sya at ayan na naman ang tingin nyang nagpapa-insecure sa akin, yung tingin na parang hindi ka sure kung masaya pa sya sa tumabi ako or ngumiti sya dahil wala na syang choice.
napatingin sya sa akin habang naka ngiti. "your pretty mine!" at naramdaman ko agad ang init sa mukha ko kahit nababalot kami ng lamig ng umaga.
"weeeh?!" at nagpout na nakakunot-noo pa akong sumagot at umiwas ng tingin sa kanya kasi baka hindi ko mapigilan at mahalikan ko sya. Huhuhuhuhu.... Ang gwapo nya talaga!
Parang nakapaka ordinary sa kanya ang magsuot ng formal o baka naman lahat ng suot nya sa paningin ko formal na?
.....
6AM mass ang nakasanayan namin sa pamilya. Kahit nung maliit pa ako ito na talaga ang oras ng pagsimba namin.
Nung nasa simbahan na kami, nasa unahan kami lagi nakaupo kasi membro na ng simbahan ang Lolo at Lola ko kaya naman lagi kaming nirereserve ng upuan sa tuwing linggo.
Nasa Unahan namin sina Lolo, Lola na katabi sina Dad at Mom at katabi ni Mom si Tita Cataleya at tito June.
Kmi naman ang nasa likod nila. Simula kay kuya Holley, ate Kat, si ate Kristy, ako, si Jelo, at si kim na nasa pinaka gilid namin.
Kilala na kami dito sa Santa Barbara dahil sa malapad na taniman namin ng Mangga at Saging. Ito ang negosyong nagpalaki sa mga magulang namin na hanggang ngayon ay patuloy parin itong lumalago.
Habang nasa mass kami, seryoso kaming nakikinig sa misa ng Padre. Kasi minsan biglang nagtatanong si Lolo kung ano daw ang sabi ng Pare sa misa, pag hindi kami makasagot nalulungkot sila ni Lola.
Seryoso si Jelo na nakikinig sa misa, parang nakikinig lang sya sa klase. Nakasandal sya sa upuan at at naka halukipkip ang mga braso at diretso ang tingin sa harapan saman talang ako naman ay nakayuko at nasa ibaba ang mata.
Hahahayyy... Ang gwapo nya talaga. Sana kung kami ang magkatuluyan ganito parin sya sa gwapo kahit matanda na kami. Bakit parang napaka kumportable nya sa amin? Parang kung hindi mo sya kilala na bisita namin iisipin mo nang pinsan lang din sya namin kasi wala akong nararamdaman na gap sa amin at sa mga pinsan ko.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...