CHAPTER 57
KATE POV
Mahimbing syang natutulog habang ako naman ay pinagmamasdan sya. Alas dyes na pala ng umaga. Kaya naman pala gutom na ako.
Dahan-dahan akong bumangon at inabot sa side table and pouch ko at kinuha ang red lipstick ko na ginamit kagabi. Nag lipstick ako at hinalikan sya sa mukha. Pinuno ko ng kiss ang face nya at nagpigil ng tawa. Bumangon ako at naligo na para handa na ako kung lalabas kami.
Habang nasa dining table ako at nagkakape. Nagpadeliver ako ng breakfast.
Maya-maya ramdam ko ang pag open ng pinto mula sa kwarto, lumabas sya at naka short lang. Halatadong hindi nya pa alam kung anong meron sya sa mukha.
"breakfast na tayo?" nakangiti kong sabi sa kanya.
"sure Mine, at hinalikan ako sa labi." umupo narin sya agad sa tabi ko at kumain na kami.
Habang tahimik kaming kumakain, narinig ko ang door bell kaya naman mabilis akong tumakbo sa loob ng kwarto at kinuha ang shirt nya.
"wear this one at paki bukas ng door please?" ngumiti ako at umupo narin balik sa dining table.
Nakakunot noo syang tumayo at pinagbuksan ang pinto.
"OMG!" sigaw ni Marie. "babe i haven't did this to you this is fun!" sabi nya habang papasok ng room namin. "Katarina!" sigaw ng matinis nyang boses habang nilalapag ang mga dala nilang pagkain. "ano yun?" tanong nya agad sa akin.
"bro, what happened?" alam kong boses yun ni Toff.
Tumatawa ako habang naguguluhan naman si Jelo sa nangyayari sa aming tatlo.
"bro, that is so romantic to keep your evidence alive!" natatawa nyang sabi habang si Marie naman ay patuloy na naghahanda ng mesa.
"what do you mean?" naguguluhan naman si Jelo sa mga sinabi ni Toff.
"maligo kana nga, mabaho kana!" sabi ko sabay tulak sa kanya papasok ng room nya.
Patuloy paring natatawa si Toff sa kanya.
Habang pinapatahimik ni Marie si Toff, rinig ko ang sigaw ni Jelo mula sa room nya.
"KAAAATTTEEEEE!!!" agad akong tumakbo papasok ng room niya. Galit ang mukha nya ngunit natatawa sya. "nice prank huh?!" umiling sya at pumasok na sa CR.
Grabe ang pigil ko sa tawa ko para hindi nya marinig. Lumabas ako at hinarap na sila Toff at Marie na kakabalik lang galing Macau.
"Here's for you Kate." inabot ni Marie sa akin ang isang paper bag. Yahoo, pasalubong na naman to, Im sure! Binuksan ko ito at tama nga ako. Bag na LV. Si Marie pa. Magkukuripot?
"Wow! So nice!" nilabas ko ang bag at nakita ko ito na maganda talaga. "thank you!" ngumiti ako habang masayang binabalik sa loob ng box nya at paper bag.
"thanks for the visit kay Yuki, galing kami doon ngayon. Marami syang nakwento about sa lalaki mong kasama nung pag bisita mo." sabi ni Toff.
"im happy your both fine Kate!" sabi ni Marie. "happy din akong finally nabisita ka na rin nya sa wakas dito."
"yup!" kinilig ako. "so anyways how's your secret wedding?" taas kilay kong tanong sa dalawa.
Sabay silang humalakhak, "fine" sabi ni Toff, "but not as fine as what you did to him?" natatawa nyang sabi.
"gantihan lang ang peg noh?!" mataray kong sinabi.
"ikaw talaga, grow up girl!" sabi ni Marie na blooming masyado.
BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...
