Chapter 8

6.6K 235 6
                                        

CHAPTER 8

JELO POV

Lunes ngayon, kahapon hindi kami nagkita ni Kate kasi nasa bahay sya ng Lola nya tuwing linggo.

Maaga akong pumunta ng school ngayon para din mag gather ng mga list of pasaway sa bawat department. Tuwing lunes ng umaga ito ang ginagawa ko para ma maintain ang good moral ng school.

Habang nasa hallway ako ng first floor at kagagaling ko lang sa freshmen department ay nakita ko si Kate na nakayukong naglalakad paakyat sa hagdan ng second floor papuntang classroom nya.

Sinundan ko nalang nalang sya ng tingin instead na habulin. Alam ko na hindi nya ako nakita. At alam ko ayaw nya rin na makita ng iba na magkasama kami.

"tol, nakita mo si Kate? Ganda talaga noh?" narinig ko na sabi ng tatlong estudyante na mga juniors din.

"oo nga eh, popormahan raw ata ni Toff sabi ng ate ko" sabi naman ng isa na nasa kaliwa.

"yung captain ball ng basketball?" tanong nung nasa gitna.

"oo, ka klase sila ng ate ko. Sabi nya matagal na raw may crush si toff kay Kate, kaso naka bantay si Kimboy" sagot nung nasa kaliwa.

"ehhh kung pinsan ko naman talaga si Kate babantayan ko lalo na kay Toff, halos lahat ng maganda dito gustong maangkin" sabi nung nasa kanan.

Nilampasan ko nalang sila at umiwas nalang na mapakinggan ang pinag-uusapan nila.

May tiwala ako sa girlfriend ko. Gwapo man si Toff pero alam ko na hindi sya ang tipo ni kate. Confident ako.

Nung nasa hallway na ako ng mga Juniors, marami ang bumabati sa akin.

"good morning Pres."

"hello Pres."

"gwapo mo talaga Pres"

May mga nagtitilian na mga babae, nasa second to the last room ang first section katabi ng office ng Junior department.

Nung padaan na ako sa room nila... Naka sulyap ako sa glass window ng classroom nila Kate, nakita ko syang naka tayo sa harapan kausap ang tatlong classmates nya. Hindi nya ako napansin.

Dumiretso ako sa JD para kunin agad ang list ng mga pasaway, maingay at escapers na mga students. Isa itong faculty malaki at medyo malawak na room na kung saan ang mga teachers na may handle sa mga juniors lang ang dito naka office. May kasama silang Record Keeper, Department Head, Secretary at Encoder.

Paglabas ko ng pinto, nakasalubong ko kaagad ang ingay ng tuksuhan ng first section. Parang may tinutukso sila na kung saan napa hinto ako. Nakita ko na may nagliligawan sa klase nila. Napatingin ako agad kay Kate na naka upo na at natatawa lang sa mga nangyayari. Umalis agad ako at nagpatuloy na sa Monday routine ko.

Nakasalubong ko si Arvin, isa syang officer ng SSG. I cant say the right word to describe him but he's like girly stuff especially pink. So i think you guess it already what i meant right?

"good morning pres?" nakangiti nyang bati sa akin.

"good morning Arvin" bati ko rin at nagpatuloy naring maglakad ahead.

"Pres wait, nagawa ko na pala list of games na naka assign sa akin pwede ko na bang ipasa sayo ngayon?" tanong nya.

"sure, para din mareview na namin mamaya during break" sagot ko kaagad.

"sige pres kukunin ko lang sa loob" agad syang tumakbo papasok ng classroom nila at nakita ko sya sa glass window na may kinukuha syang encoded papers sa file box nya.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon