Chapter 60

7.2K 143 0
                                    

CHAPTER 60

JACK POV continuation

Nalaglag ang mga panga namin lahat sa tanong ng doktor.

"ako po ang mother" agaw eksena ni Tita na syang nagputol ng katahimikan namin.

"Please follow me?" sabi ni doktor at agad naman sumunod si Tita. Tumingin sya sa akin at "Kim and Jack please come with me?" niyaya nya pa ako.

Oh brain please work again. Para akong natrap sa huling tanong ng Doktor sa amin.

Nasa loob na kami ng opisina ng Doctor at naka upo na si Tita at kami naman ni Kim ang nakatayo pareho.

"The patience is very weak, naubusan sya ng lakas. Masyadong stress at kulang sa vitamins. The baby is safe kahit delikado ang kalagayan nya." aniya ng Doktor.

"Wait!" biglang sabat ni Kim. "Is she pregnant?" nanlaki ang mga mata namin.

"Yes, about 4 weeks old and i think the mother is not aware kasi napa ka weak ng baby kulang din ito sa vitamins" pahabol ni Dok.

"Oh myged! Wala akong kaalam-alam sa mundo" sabi ni Kim.

"same here bro, wala din namention si Jelo sa akin about it sabi nya weird lang raw si Kate this past few weeks" naguguluhang sabi ko.

"so ano po ang gagawin namin Dok?" biglang sabi ni Tita.

"kailangan natin ipastay ang patience for one 2 days at kaylangan nyang mag bed rest. Masyadong unhealthy ang baby kasi kulang sa vitamins" sabi ng doktor habang nag susulat ng kung anong resita.

Nakita ko ang pagtahimik ni Tita, medyo kinabahan ako. Jelo patay ka talaga sa akin kung magagalit si Tita mamaya!

"Ito po ang mga vitamins na kailangan nilang mag-ina" inabot ng Doktor ang resita at napangiti lang si Tita.

"salamat Dok." sabi agad ni Tita.

Pagkatayo nya, napatingin sa sakin at ngumiti lang. Alam ko na halatado sa mukha ko ang kaba pero Fuck! Natatakot akong ako ang pagbuntungan ng galit ni Tita.

Nasa labas na kami at naglalakad na sa hallway ng hospital.

"Kim please go ahead, i need to talk to Jack" ito nga ba ang sinasabi ko. One on one na kami ni Tita.

Naunang naglakad si Kim at sumunod naman ako kay Tita. Papunta kami ng cafeteria. Umupo sya sa isang bakanteng mesa at ganun din ang ginawa ko.

Ngumiti si Tita sa akin. Alam ko na mabait ang Mom ni Kate kasi never akong nakarinig nang kahit anong masama or negative about their family.

"Alam ko na buntis si Kate nung dumating sya, napaka weird nya. Nung tumawag si Jelo at nagbigay ng paalala dun ko na nalaman na buntis si Kate" kalmadong sabi ni Tita.

"Tita sorry po, wala po kaming alam even Jelo. he keep on asking ate Mint about Kate's weirdo acts pero no idea po kami" sabi ko naman.

"Nasa tamang edad na sila. Engage narin sila. Masaya ang anak ko kay Jelo. Hindi ako tutol kung pananagutan nya ang baby pero request ko lang sana na umuwi sya ngayon? Gusto kong malaman nya to at makita sya ni Kate" sabi ni Tita.

"no problem Tita, tatawagan ko po si Jelo mamaya pagdating ko sa bahay" sagot ko na man na nagpangiti kay Tita.

"kinakabahan ka Jack, hindi ako galit. Mahal nila ang isat-isa at masayang masaya si Kate nung pinakita nya sa akin ang engagement ring na binigay ni Jelo. Hindi ko kayang kontrahin ang kaligayahan ng anak ko over my pride" napayuko sya.

"masyado na kaming proud sa lahat ng efforts ng mga anak ko para sa aming mag-asawa, wala kaming nais sa kanila kundi ang maging masaya sila sa buhay."dagdag pa nya. "masaya din ako kasi nakita ko pano nyo inalagaan si kate sa Japan, pano nyo sya inalalayan. Kahit nong mga panahon na wala na sila ni Jelo but your family stick to her" pahabol ni Tita.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon