CHAPTER 28
KIM POV
Sa amin titira si Kate, for three days trip nya. Masaya akong nakita sya. Ang ganda na ng baby bunso ko.
Sa tuwing nakatawa sya, plastic din kaming nakikitawa even though deep down inside, im worried about what she will going to react about what happened. Ayaw ko syang makitang malungkot for Pete's sake. Hindi ko siguro kakayanin if masasaktan sya.
Kumain kami sa isang grilled hauz, gusto ko na eenjoy nya ang stay nya dito. Kahit kabado ako sa mga pwedeng mangyari sa kanila ni Jelo.
Masaya kaming kumakain at nagkukwentuhan nang biglang dumating ang grupo nila Marie.
"hi!" biglang nyang sabi sa amin at nakatayo sa harap ni Jelo. "you leave us without a note sa hongkong!" galit na sinabi nya habang naka titig ang mga mata nya kay Jelo.
"sorry Marie, meron kasing emergency na nangyari kaya napa-uwi kami ni Jelo ng wala sa oras" sabi ko habang hindi nya inaalis ang mga mata nya kay Jelo na naka upo sa tabi ni Kate.
"Ah, so very emergency?!" nakataas ang kilay nya na nakatingin kay Kate. "okay, ill see you tomorrow Jelo, we something really important to discussed" at tumalikod na.
Hindi sya pinansin ni Jelo pero nakita ko pano kinabahan si Jelo sa sinabi nya.
"bakit kayo naunang umuwi Mine?" tanong agad ni Kate.
"k-kas-si napaaga ang d-dat-ting nila Dave and Jayson, tama kaya napa-aga kami wala kasi silang matuluyan" pagsisinungaling ko kasi hindi na talaga makapag salita si Jelo.
"huh?!" nabigla sya at agad na tumitig ng masama kina Dave at Jayson "kayong dalawang asongot, sumusobra na kayo!, tsk! Mamaya kalang Jay kay Arly!" nagpakita pa ito ng kamao kay Jay at patuloy na nakumain.
"Mine?" agad nyang tanong, "yup?" sagot naman ni Jelo.
"napansin ko masama ata ang titig sayo ni Marie, kanina pa sya nakatitig dito?" naka kunot noo nyang tanong kay Jelo na nagpa-ubo kay Jelo kaya nabulunan sya.
"Mine naman, easy!" sabany himas ni Kate sa likod ni Jelo. "sige wag kanang sumagot! Hmmmp! Kahit ako din naman ang nasa kalagayan nya magagalit talaga ako, ang mahal kaya ng ticket tapos sinayang nyo lang?!" sabi nya na kinatawa naman nina Dave at Jay.
After namin kumain, naglibot muna kami para makatour si Kate. Masayang masaya siya at parang walang kapaguran ang katawan nya.
.....
JELO POV
Almost midnight na kami nakauwi, sa bagong tirahan namin ni Kim sya matutulog ngayon. Sa kwarto ko sya matutulog, magtatabi kami. Pumayag naman si Kim kasi nangako akong hindi ako gagawa ng kalukuhan.
Habang nasa harap sya ng laptop ko at nagrereview ng mga possible questions, pinagmamasdan ko lang sya. Naka shorts sya na maikli at naka puting shirt.
Habang tahimik syang nagbabasa ay bigla syang tumayo at kinuha nya ang cap ko na nakasabit sa aparador at sinuot.
"dali picture mo ako mine, remembrance lang with your cap." nakangiti nyang sabi na kinasaya ko. "pwede sa cellphone ko nalang Mine?" tanong ko sa kanya.
'oo sige, basta i-upload mo to ha? Dapat makita ni Ate Mint ang shirt ko kasi bigay nya to sa akin" nakangiti nyang inayos ang hair nya at nagpose na.
"very pretty mine" sabi ko at kinuha nya agad ang phone ko sa kamay ko, niyakap ko sya mula sa likod at hinalikan sa ulo nya.
"mine isa pa yung makita naman yung reflection ko sa mirror mo, ang ganda oh!" sabay abot sa akin ulit ang phone ko.
Kinunan ko sya ng picture ng maraming besis na nagpatawa sa kanya ng malakas kasi nagulat sya sa daming click!

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...