CHAPTER 26
KATE POV
Nasa harap ko na ang lalaking pinakamiss ko sa lahat. Ang gwapo nya, pumuti sya lalo at lumaki ang katawan nya, sabi ni Kimboy yun daw libangan nila mag gym para matanggal ang stress nilang dalawa sa studies.
Niyakap nya ako ng mahigpit at paulit-ulit nyang sinambit ang 'i miss you' sa akin.
Hinalikan nya ako na parang wala nang bukas at gigil na gigil sya. Nakisakay nalang ako kahit na parang oa na ang dating namin. Hawak ko ang magkabilang pisngi nya at masaya ding nakikipaghalikan sa kanya.
Ang landi ko noh? Heheheheh, sige lang minsan lang naman to at isa pa halik lang naman eh. "ang bango-bango mo" gigil kong sinabi sa kanya.
"ang cute mo parin" response nya sa pang gigil ko sa kanya at niyakap na naman ako.
"namiss kita ng sobrang-sobra Mine, hindi mo lang alam pano ako nababaliw sayo dun sa Maynila.
"weeh?! sabi ni Kim dami daw nagkakagusto sayo don, hmmp?!" at nagpout ako na hinalikan nya naman agad.
"marami nga pero hindi naman sila ikaw" sagot nya na nagpakilig sa akin ng sobra.
"balita ko kay Anna at Arly marami kana raw mga suitors ngayon sa school?" tanong nya naningkit ang mga mata nya, "Abahhh nawala lang ako naglabasan na sila?" napa-iling sya na parang dissapointed, "hindi ba nila alam na pagmamay-ari ka ng dating presidente ng school na yan?" mayabang nyang sinabi.
"echooos! Naniwala ka naman sa dalawang yun? Ulila nga ang bago kung pangalan sa school ngayon kasi wala kan raw kaya ulilang lubos na raw ako sa puso" napangiwi ako sa mga sinabi ko.
"i really miss seeing your face close like this" sabi nya na hawak ang baba ko.
"me too, i miss you too Mine" nakapout kung sinabi na pinagmulan na naman ng halikan namin.
"sasagarin ko na lahat ng pagkakataon na mahalikan kita kasi pagbalik ko dun sa Maynila, monitor na ulit ang kahalikan ko" sabi nya habang magkadikit ang mga labi namin.
Napatawa ako sa sinabi nya, hindi ko ma-imagine na ganun sya kasira ulo.
"by the way, pasalubong ko sayo" sabay bigay ng paper bag na nasa back seat.
Binuksan ko na agad ang pasalubong nya, isang pillow na personalized at may sulat na 'goodnight hug' sa gitna tas sa baba maysulat na 'mine'. Napangiti ako sa nakasulat.
"waahhh! Thank you mine."sabi ko at niyakap sya. "bakit ito ang naisip mo?"
"kasi para kung wala na naman ako, may kahug kana hehehehe, pareho tayo, meron din akong ganyan sa Maynila, kahug ko rin kung gabi para pareho tayo.
Ang sweet nya talaga at siya na ang bigatin ngayon!
Nag-usap muna kami habang kumakain ng take-out nyang pizza bago kami napadpad dito sa plaza namin.
Namiss namin ang isat-isa kaya napa haba ang usapan.
......
Sinundo nya ako sa bahay pagka gabi para makipag kita sa mga kasama namin. Naisipan namin na mag bonding as reaunion sa team. Pumunta kami sa isang bar na may video-k-han at dun nalang kami nagtambay.
Masaya ang naging pagkikita namin. Puno ng tuksuhan at lambingan. Nalaman ko kasi na si Arly na pala at Jayson, si Kimboy naman at si Anna na ayaw pang aminin na gusto nila ang isat-isa.
Naging girl narin si Ate Tiny nadating boyish, si ate Mich naman ay gumanda lalo kwento ni Jayson sa amin. Bantay sarado sila kay Jayson dun kaya hindi daw sila maka takas para mag boys hunting. Hindi sila nakarating ngayon kasi magpahinga daw muna sila kasi katatapos lang ng mga exams at ilang araw silang walang tulog.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...