Chapter 22

5.6K 131 0
                                        

CHAPTER 22 (Over night)

MINT POV

Nasa kwarto na sila ni Jelo at manunood sila ng movie ngayon. Todo suporta kami kay Jelo sa monthsary treat nya sa teamates nya kasi for the first time naging pursigido si Jelo at nagkaroon ng direksyon ang life nya.

Namet ko na rin ang babaeng nagpabago ng life routine ni Jelo, Si Kate. Ang pretty, simple and very polite na si Kate. I bet to be her sister. I like how she smile and talk. Very sweet and very mahinhin. How she react to everything. Napaka talino na tao. Halatado kasi makikita mo naman na iniisip nya ang mga lumalabas sa bunganga ko kanina.

I brought the pizza inside my brother's room. Naabutan ko silang nakatunganga sa TV at seryosong nanonood ng movie, i look around to find Kate but i didn't see her. I roam around my eyes and found her in Jelo's study table at nag-aaral.

She's really awesome. Nakakaya nyang mag-aral kahit ang lahat busy na sa kakapanood ng TV. Nakapatong at naka cross ang mga paa nito sa upuan, ang bag nya na nasa tabi lang at naka open ang mga books nya.

Inilapag ko ang dalawang pizza sa gitna ng mga nasa harap ng TV at umupo ako sa tabi ni Jelo na nasa bed pagkatapos.

"bakit sya nandyan?" tanong ko sa kapatid ko na nakadapa at nanonood din ng TV.

"may exam kasi sila sa Monday, kaya ngayon nag-aaral kasi mahaba daw ang coverage nila." sagot nya rin sa akin.

"ang galing naman" sambit ko habang nanonood kay kate na busing busy sa kaka-aral.

Habang nanonood kami ng movie, napasigaw si Arly at Anna bigla sa text na nareceived nila.

"congrats Kate!" sigaw ng pinsan kong Anna na siyang nag-agaw ng atensyon ng lahat.

"libre naman dyan!" sigaw din naman ni Arly.

"bakit anong meron?" tanong ni Kim kung saan naka sandal si Anna.

"nagtext si coach, top1 si Kate ngayon sa first grading" masayang binalita ni Anna sa amin na nandoon.

"wow baby ang galing naman" bati ni Kim kay kate, pero bakit baby?

"tama na ang aral Kate baka lumampas kapa sa top1" biro naman ni Jay.

Napatingin ako kay Kate, na naka pout habang nakaharap sa amin.

"what's with the face Kate?" bigla kong naitanong.

"OMG! Wag kayong mag-joke!" kabado ang mukha nito. Namilog ang mata nya na parang natatakot. Binitawan nya ang book na nasa kamay nya nang umilaw ang cellphone nya.

"Impossible!" nalaglag ang panga nya habang nakaharap sa amin na parang nakakita ng multo.

"pressure!" para itong bata na nagmamakaawa. Tumayo ito sa kinauupuan nya at lumipat sa bed at dumapa sa tabi ni Jelo.

"bakit, whats wrong mine?" agad na tanong ni Jelo kay Kate habang hinahaplos nito ang ulo ni Kate.

"ayaw ko ma-top1 baka hindi ko makaya, nakakahiya." malungkot nitong sinabi.

"kaya mo yan girl, carry on!" sabi ko naman agad.

"dont worry, kahit mawala kapa sa top. Nandito parin ako" nakita ko panu binulong yun ng kapatid sa tenga ni Kate na nagpa smile kay Kate.

Pero dumapa sya ulit at uminat ng kamay. "bakit ako? Maligaya na ako sa dati"

"wag ka ngang mahiya, infairness sa gitna ng mga kalokohan mo nagawa mo parin maging top1" sabi ni ate Tiny.

"hey ano kaba, nobody is giving you too much expectation." sabi ni Jelo habang kinukurot ang magkabilang pisngi nya.

"hindi mo lang alam" humaba bigla ang nguso nya. "sa room namin pag ikaw ang nag top-1 ika na ang magiging base ng lahat. Para kang pressure cooker na dapat mabeat mo ang expectation nila" napayuko sya.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon