Chapter 23

5.3K 115 0
                                        

CHAPTER 23

KATE POV

May usapan kami ng mga kaklase ko na magkikita kami sa mall at exactly 10 AM. Bawal malate kaya nag advance ako ng 10 minutes. Nakita ko sila Nina, Grace at Drake sa napag-usapang tagpuan namin.

Mabilis akong lumapit sa kanila. "hello" bati ko sa kanila. "tayo palang?" tanong ko kaagad.

"oo, hindi pa sila dumating pero si Nikko sure na hindi makarating kasi bibisita raw sila sa Tita nyang nasa hospital" sabi ni Nina.

"10 minutes to go, Drake pag hindi sila dumating start na tayo agad magbili para hindi masayang ang time natin. Bigyan nalang natin sila ng extra duty if hindi sila makarating ngayon." suggestion ni Grace.

Tumango lang si Drake at dinungaw ang relos nya sa kamay. "sige, ang usapan lang naman natin ngayon mamili so kung hindi sila ngayon makapunta, sila ang gagawa ng origami ng mga shapes"sabi ni Drake.

Maya-maya ay dumating na si Allan at Vina, anim na kami pero hindi na namin hinintay ang tatlo. Nagsimula kaming mag-ikot sa mga school supplies, naghanap ng magandang papel na gagamitin namin para sa pag gawa scrapbook.

Habang nag-iikot naging bonding narin namin yun magkaklase. Huling napuntahan namin ay ang national bookstore bibili kami ng mga different colors ng mga ballpen naisip kasi naming isulat lang ang mga theories instead na encoded para scrap talaga.

"Kate, kayo nina Grace, Vina at Nina ang magsusulat kasi magaganda ang mga sulat kamay nyo, kami naman na mga boys ang gagawa ng equations at solving. Yung apat na absent ang gagawa ng mga shapes." sabi ni Drake, napa-oo lang kami lahat kasi sya naman ang lider at the same time. Tama naman ang mga naisip nyang hatian sa trabaho.

"dapat 3D style ang mga shapes natin Drake para unique."sabi ni Allan.

'oo nga, yung pareho sa mga cards na pag open mo lalabas sya na nakaangat talaga" sabi ni Grace.

"kaya nila yan, may youtube naman eh." sabi ni Nina.

"tutulong naman tayo if ever diba?" tanong ko sa kanila.

"oo naman" sagot agad ni Nina.

"hindi naman exile ang kaparusahan nila, hehehehe. Punishment lang naman to!" sabat ng masayahin naming kaklase na si Vina.

Pababa na kami ng scalator nang matanggap ko ang text ni Jelo.

Mine koh:

Mine, nandito na ako. Nasa Lego display ako ngayon. Dito nalang kita hintayin. Love you.

Ako:

Papunta na ako jan Mine, tapos na kami. Magpapaalam lang ako.

Hindi pa ako nakasend ng message ko, nagtama na agad ang mga mata namin. Nasa baba lang pala ng scalator ang sinasabi nyang Lego display.

Nakita ko syang naglakad papalapit sa amin. Agad ko naman nakita ang nakangiting mukha ni Nina at Grace.

"pres!" sigaw ni Nina na bati kay Jelo.

Ngumiti si Jelo sa kanila.

"may lakad kayo Pres?" tanong ni Allan kay Jelo.

"dito lang din, may bibilhin lang kami." sagot ni Jelo sa kanya.

"lunch muna tayo guys bago tayo maghiwa-hiwalay pwede?" tanong ni Grace sa lahat.

"sure! Gutom narin kasi ako." sagot agad ni Nina.

"oo nga, minsan lang naman tayo makapag mall na ganito, go na tayo." sabi ni Allan.

"Hindi pa kayo nakapag lunch?" tanong agad ni Jelo sa akin.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon