CHAPTER 11
JELO POV
Maraming naaaliw sa banda na nasa stage, medyo familiar ang vocalist. Gusto ko sanang lumabas para tawagan si Kate, i damn miss my mine. Pero mahigit na 30 minutes ago na nung last na nagreply sya. Baka tulog na sya.
Nandito ako ngayon sa Bar kasama ang mga kaibigan ko sa dating school ko. Napilitan lang akong sumama kasi sinundo ako ni Jomz sa bahay. Kaya wala akong lusot.
Maingay na sa dance floor, hindi naman sila sumasayaw, parang naaaliw sila sa banda na tumutunog.
"date me tonight!!" sigaw ng isang school mate ko dati, si Henry ang amboy namin na playboy. Nakita ko syang panay ang kuha ng picture sa nagpe-play ng organ.
"chix masyado yung organist nila noh? Sayang ngalang at parang shy type oh, naka cap pa" sabi ni Vince na naka tayo nang pinagmamasdan ang tumutunog na banda.
"ayun! kinuha na ang cap nya! chix talaga!" sabi nya sa amin.
Na-curious ang lahat sa reaction ni Vince kaya tumayo kami at nanood narin. Pumwesto kami malapit sa may ilaw na bakante habang ang iba naman naming kasama ay nagpaiwan sa table namin.
Nalaglag ang panga ko nang makita si Kate na nasa Organ. Pangiti-ngiti na at sumasabay pa ang ulo at katawan sa music.
Nagdilim ang paningin ko! Hindi dahil sa nagsinungaling sya or nasa stage sya ngayon kundi dahil sa suot nya.
Maikli ang shorts nya at naka sleveless pa.. Masyadong naform ang hugis ng katawan nya at litaw ang kaputian nya. Nag high heels pa na naka dagdag sa magandang hugis at mahaba nyang legs tapos kinulot nya pa ng dulo ng buhok nya na mas lalong nag pa hot sa kanya.
'si Kate ba yan?" tanong ni Joms na nasa gilid ko.
Hindi ako sumagot. Nagbigting ang panga ko habang nakikita si Henry at mga kaibigan nya na panay ang kuha ng picture kay Kate.
Kumanta sya ulit para sa last song nila. God! Bakit nasalo nya lahat ng biyaya ng langit, mukha, utak, katawan at talento. Nakakainis isipin na gusto ko syang hilahin pababa dyan sa stage at ipagsigawan na girlfriend ko yan... Nakaka bwesit kasing tinan na para syang pinag pi-fiestahan ng mga lalaki sa harapan nya.
Nang magtama ang mga mata namin, napansin ko ang biglang pagbago ng aura nya, namutla sya agad at medyo kinabahan.
Habang tinatapos nya ang kanya, patuloy akong tumitig sa kanya na parang bantay sarado sya sa paningin ko.
Matapos na ang performance nila, sa backstage sila dumaan at lumusot sa side entrance. Nakita ko na sinalubong sya ni Anna at Arly na sa unang kita ko palang sila ang may pakana sa suot ni Kate. Dahil magka terno ang style ng mga outfit nila.
Hinayaan ko nalang muna sya kasama ang dalawa at ako naman sumama sa pagbalik sa sa table namin.
"Angelo, invite mo si Kate dito, pakilala mo sya sa barkada." sabi ni Jomz, may gusto rin si Jomz kay Kate pero nung sinabi ko sa kanya na kami na ni Kate. Hindi naman sya nagalit. Sabi pa nya, huwag ko lang daw iwanan mag isa baka maagaw nya.
"Nah! She's with her friends" sagot ko kay Jomz sabay tingin sa direksyon ni Kate na masayang nakikibonding kina Anna, Arly at Nina.
"Sinong girlfriend mo?" tanong ni Vince na nabigla. "wala akong nabalitaan na nagkagirlfriend ka dude, first time ba?"
"Go call her, we want to meet your first girlfriend" excited na sabi ni Nica.
"oo nga Jelo, pakilala mo naman." pangungulit ni Sarrah.
BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...
