Chapter 12

6K 193 2
                                    

CHAPTER 12

KATE POV continuation

Inaayos ko ang mga gamit ko na dadalhin doon sa bahay nila Lola. Shorts, panty, bra, extra shirt, at damit at sapatos na pansimba ko bukas. Kunti lang dadalhin ko tutal may mga damit pa naman ako sa bahay nila Lola.

Dali-dali akong nagbihis at bumaba dala ang bag ko. Inayos ko ang sarili ko, naka suot ako ng 3/4 with hood na manipis na damit at may pinatungan ng jumper na shorts. Tinali ko ang buhok nang pa-bun at nagsuot ng slippers ko na pink para terno sa damit ko.

Hinihintay ko si Kimboy kasi sya ang susundo sa akin ngayon. Mamayang hapon pa sila mommy kasi may exam si ate at at may meeting si Daddy ngayon.

Narinig ko ang busina ng sasakyan ni Kim sa labas. Agad kong binuhat ang bag ko at unan na gagamitin sa pag byahe. Sinuot ko ang sun glasses ko at nag paalam na kay mommy na nasa kusina at busy sa pagluluto para dadalhin doon sa bahay nila Lola.

Paglabas ko ng gate, bumungad agad sa akin ang sasakyan ni Kim na sports adventure. Agad akong sumakay sa likod kasi may plano akong matulog.

"Kimboy dito na ako mag-upo, pasensya kana... I badly need to sleep" sabay lapag ng unan ko at bag ko at diretsong yumuko at naghalughog sa bag ko.

"sure thing!" sagot nya naman habang nagmamaneho na.

"anyway kimboy pwede mo ba akong gawan ng favor???" sabi ko habang busy ako sa kakahalughog ng bag ko at hinahanap ang cellphone ko.

"sure what??" sagot nya na naman.

"daan tayo sa 7/11 ha? Bibili ako ng ice cream!" sabi habang nagtutok sa cellphone ko ang mga mata ko.

"oh, bakit ka na naman naghahanp ng ice cream, depress ka ba?" tanong nya habang nagmamaneho.

"siguro, i just need an ice cream!" sagot ko habang tutok parin ang mata sa cellphone ko.

"bakit nga bunso?" lambing nitong tanong sa akin.

"si Jelo kasi hindi na nagparamdam" nagpout ako at hinarap sya sa mirror na nasa harapan.

Natawa sya agad at nagtaka naman ako?! Hinampas nya pa ang manubela ng sasakyan nya. May narinig din akong nakitawa sa kanya. Sinilip ko kung sino ang naka upo sa front seat na katabi ni kimboy.

Waaahhhhhh!!! Pwede na akong mag bigti ngayon! Lubid!!! Waaahhhhhh!!!! Nakakahiyyyyyyyyaaaaa!!!!

Uminit ang pisngi ko ng parang alam ko na pwede nang sumabog anytime nung nalaman ko na si Jelo pala ang nasa tabi nya. Hindi ko napansin kanina. Akala ko si Holley na pinsan din namin na mahilig mag cap.

"dude you need to text her, you dont really wanna see her messing up with the ice cream" natatawa nyang sabi kay Jelo.

Nilingon ako ni Jelo na seryoso ang mukha.

"bakit ka nandito?" tanong ko na may pagka maldita habang tulala parin sa nangyari.

"ininvite sya nila Tito at Tita Kate na mag over night sa atin para daw mamet nya ang family natin" kumindat pa si Kim na parang nangloloko ng sagot.

"huh? Bat di mo sinabi sa akin Jelo na sasama ka?!" galit kong tanong sa kanya.

"kanina lang ako tinawagan ng Mom mo, i was surprised too." sagot nya na naka diretso ang mata sa daan.

"dude, maliit lang ang family namin. Madali kaming mapa close sa mga kapartner ng bawat pinsan namin kasi gusto ng parents namin na ipakilala namin agad ang mga masyota namin" sabi ni Kimboy na seryosong nagmamaneho.

"ganun din sa amin, pero next month pa kasi ang gathering namin sa family kasi once a month lang kami magkikita-kita if my birthday lang." sabi ni Jelo.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon