CHAPTER 27
JELO POV
College na si Mine, ganun parin kami, Skype at FB ang relationship. Sa UP Iloilo sya nag-aaral ngayon. Mas gusto nya daw dun kesa tanggapin ang scholarship dito sa UP Diliman. Ayaw nya daw mahiwalay sa parents nya kasi naawa syang na walang maiwan na kasama sa bahay.
Ang kuya nya kasi papunta na ng Dubai kasi na scout dun para magtrabaho, ang Ate nya naman nandito na sa Maynila at nagrereview para sa board ng CPA.
Accountancy ang kinuha nyang course pareho sila ng Ate niya.
Habang tumatagal mas lalo siyang gumaganda at pumuputi pa. Sa tuwing mag skype kami, naaaliw ako sa kanya kasi dalagang-dalaga na si Mine ko. Pag may bago siyang post na picture, piniprint ko talaga at dinidikit ko sa wall ko para maremind ako na may girl friend akong maganda.
Pati class schedule nya memorize ko para alam ko ang oras na pwede ko lang syang tawagan at itext.
Naging medyo possessive ako sa kanya this past few months, balita ko kasi kay Dave, ang dami daw pumuporma kay Kate. Kahit to do iwas sya, hindi parin daw ito nawawalan ng mga asongot sa paligid
Naging deans lister si Kate, nangunguna sya sa listahan sa batch nila. It makes me a proud boyfriend here.
This semestral break, hindi kami makakauwi ni Kim, kasi isinama kami sa ticket ni Marie papuntang Hongkong para daw sa birthday nya.
Hindi naman nagselos ever since si Kate kay Marie kasi nga walang palya ang tawag ko at moment naming dalawa, even si Kim hindi rin nagduda sa akinkasi alam nya pano ako umiiwas kay Marie.
.....
STORY TO TELL
Nasa airport na kami ngayon kasama ang barkada, aalis kami papuntang Hongkong. Ayaw sana namin ni Kim sumama pero nakabili na si Marie ng ticket para sa amin, sayang if hindi kami aalis ni Kim.
Panay ang kapit ni Marie sa akin galing pa sa sasakyan, medyo nasasanay na ako sa mga ganito nya pero syempre ayaw ko kasi nagi-guilty ako para kay Kate.
Dalawang oras din kaming nasa himpapawid papuntang Hongkong.
Pagdating namin, may isang van agad na sumalubong at sumundo sa amin papuntang hotel.
Pagdating sa sa hotel, magkasama kami ng room ni Kim kaya nakahinga ako ng maayos, baka kasi ano na naman ang nasa isip ni Marie.
Actually ilang besis ko na syang pinagsabihan na tumigil na sa mga kalokohan nya, ayaw ko na masira kami ni Kate at mawala rin ang friendship naming dalawa. Pero patuloy parin sya sa mga kahibangan nya.
Naglibot kami at namasyal agad kasi 3 days lang ito kaya sayang daw kung hindi namin sulitin.
Anim kaming umalis, si Kim, ako, si Ella, Si Marie, Si Troy na pinsan ko sa side ng Dad ko, at si Joms. Imemet daw namin ang apat nilang friends na nauna na dito kasi hindi nagkasabay ang mga pagkuha ng tickets.
Gabi na at nasa isang room lang kami, nagkayayaan ang lahat na maglaro ng cards. Ang matalo, maghuhubad ng piraso ng damit at kasabay nun nagpahatid din sila ng champagne para sa celebration ni Marie.
Nalasing ang halos lahat, nakahubad narin kami kasi napasarap ang laro. Nahihilo na ako at hindi na alam ang mga nangyayari, puro tawanan nalang lahat ng naririnig ko.
Naramdaman ko na may mga lalaking naka alalay sa akin papuntang ibang room. Pinahiga ako sa kama at binalot ng kumot naramdaman ko na may katabi ako, 'ahhh baka si Kim' kaya dinedma ko na agad.
Naka nap ako ng kunti, nang may biglang humalik sa akin, at yumakap hindi ko na control ang sarili ko kaya nagrespond na rin ako. Magkayakap kaming naghahalikan at naramdaman ko ang init ng katawan nya. Malalambot at parangnanunuyo. Blured na ang paningin ko ang nakikita ko nalang ay isang maputing babae.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Ficção GeralNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...