CHAPTER 53
KATE POV
Inilapag ng waiter ang order namin at agad na umalis. Chicken fries, california Maki, sushimi at japanese siomai at peach mango juice. Hehehehe lahat ng paborito ko ang inorder ko. Bahala ka sa buhay mo. Kainin mo kung anong nandyan sa harapan mo.
Napansin ko naman na hindi naman sya naging maarte sa pagkain. Siguro dahil wala syang choice.
"Jelo sabihin mo lang kung ayaw mo nito, iorder kita ng rice bowl" sabi ko habang nakatingin sya sa akin.
"hindi okay nato, alam ko naman na poborito mo lahat ng inorder mo." napatawa sya at umiling pa.
"iorder nalang kita ulit" sabi ko
"huwag na!" aniya na nakangiti pa, "minsan lang naman ako makakain nitong mga paborito mo, ipagdadamot ko pa?" sabi nya at hinawakan na agad ang chopstick nya.
Tahimik kaming kumakain, napansin ko na hawak nya ang phone nya at bigla syang napatawa. So tiningnan ko sya habang kagat ko ang chopstick ko.
Tumunog phone nya at umilaw ang flash! Wagas!
"OMG Jelo, bakit mo ako pinicturan? Nakakahiya?!" alam ko na namumula na ako.
"ang cute mo nga eh oh?" pinakita nya ang picture ko na parang patay gutom at nakulangan ng pagkain.
"kainis ka talaga!" naiinis ako sa kanya. Nagpractice pa naman akong maging suplada sa pagkikita naming to. Hulog parin pala ako sa bitag nya.
Hindi ako nagpatalo, kinuha ko rin ang phone ko at pinigturan sya. Ngumingiti lang sya sa mga picture na naiinis ako.
"Pasa mo sa akin yang picture ko ha? Dapat makita ko yan para remembrance ko" napanganga ako sa sinabi nya.
"Jelo may dumi ka sa mukha" sabi agad sa kanya at tinuro ang direksyon sa pisngi ko. "dito banda"
Agad nya naman hinawakan ang parte ng mukha nyang yun "where?" kunot noo nya pang tanong.
"uto-uto!" sabi ko nang hinimas nya ang mukha nya at hinanap ang dumi.
"abah! Natuto kana ng style ni Kuya jack ah?, Tsk!" sabi nya at sabay umirap sa akin.
"bilisan mo na ngang kumain dyan at nang mkauwi na ako" masungit kong sinabi. Namimis ko sya pero hindi dapat ako masyadong magpahalata para hindi na naman ako masaktan after nito.
"oo, lets go!" tumayo agad sya at inayos ang sarili. Ganun din ang ginawa ko.
Palabas na sana kami ng restaurant nang napansin ko syang panay ang titig sa akin.
"anong problema mo?" kunoot noo kong tanong sa kanya.
"wala masyado lang maikli ang shorts mo" sabi nya at umiling sa akin.
Nilapitan ko sya at may binulong ako sa kanya. "ito yung uso diba?" at tumatawang nauna sa kanya.
Naglakad lang kami pauwi ng pad ko, para din makita nya ang mga streets side at beauty ng Tokyo. May ilan akong mga schoolmate na nginingitian at may ilan din mga taong laging nakakasalubong ko along the way ang kumakaway.
"wow, sikat ka pala dito?" sabi nya bahang nasa bulsa nya ang mga kamay nya.
"hindi naman masyado" nakangiti kong sinabi sa kanya.
"lumalaki na ang letter C mo ha?" sabay tap ng likod ko.
"hindi naman, kailangan talaga ang confident Jelo para umangat sa buhay."
"talaga lang ha?" sagot nya sa akin.
"infairness, natuto kana rin palang mag another C ngayon?" taas kilay kong tanong sa kanya na parang naguluhan sya kung ano ito.
BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Fiksi UmumNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...