Chapter 4

7.5K 174 0
                                        

CHAPTER 4

JELO POV

Katatapos lang ng training namin ngayon at as usual nandito kami sa labas na parking lot ng sports complex para hintayin ang sundo namin. Napa aga kasi natapos ang training namin sa usual time.

Habang kumakain ng barbecue at nagtutuksuan ang mga kasama ko sa parking area, nandito naman ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko from team Sharks dito sa loob ng cafe na kaharap lang ng SC (Sports Complex).

"ang cute talaga ni Kate noh?" sabi ni Jom na naka titig sa kinaroroonan ng Team namin. "she's really attractive even in her simple get up" tinukoy ang suot ni Kate na shorts na maikli at printed shirt.

"dinig ko nasa first section daw sya at nasa honor list" sabi ni Miko na kumakain ng chippy. "kanino mo nalaman yan?" tanong ko bigla habang inuubos ang Frappe ko.

"sabi ng pinsan ko na classmate nya." sabay tingin sa direksyon ni Kate, "Marami nga daw nag kaka crush sa kanya sa school nyo, pero yun ngalang walang may lakas loob na man ligaw kasi takot kay Kim" dugtong nya.

"hahahahaha..." napatawa ako ng wala sa oras "pinoprotektahan ni Kim yan kasi bunso nila sa generation nila" sabi ko.

"may number kaba sa kanya?" seryosong sabi ni Jom na hindi parin naalis ang titig kay Kate, "crush ko talaga sya, lagi ko ngang sinisilip ang FB nya?" napalunok ako ng sinabi ni Jom yan.

Hindi ko sinagot ang sinabi ni jom, tumango nalang at nagpatuloy sa pag inom ng frappe ko.

"crush din sya ni Edward, narinig ko na tinutukso sya sa shower room last week." sabi ni Miko na hinahalo nito ang frappe nya "kinilig ang gago nung kinausap sya ni Kate sa pool" sabay tawa.

Tumayo ako at binuhat ang speedo bag ko nang makita kong dumating na ang Hiace na sundo namin "mauna na ako sa inyo" paalam ko habang palabas ng glass door. Tumango lang ang dalawa kong kaibaigan at kumaway lang sa akin at tuluyan na akong lumabas. Tumakbo ako patawid ng kalsada papunta sa Hiace at sumakay na agad. Umupo ako sa front seat.

KATE POV

Sinuot ko na ang head set ko at naghanap ng song sa playlist ko, sinandal ko ang ulo ko sa sandigan ng upuan at binalik ang cellphone ko sa side pocket ng bag ko at pumikit.

Habang nakikinig ako sa patuloy na tuksuhan ng mga kasamahan namin naramdaman ko ang cellphone ko nag vibrate. Kinuha ko ito at binasa ang message.

Captain Boy:

Tired?

Napakunot noo ako at napa ngiti sa text ng taong nasa diagonal side ko ngayon nakaupo.

Ako:

Nope!

At binalik na ito ulit sa side pocket ng bag ko. Pumikit ulit ako at pinatong ang dawang paa ko sa likod ng upuan ng driver na parang maliit na space. Nag-vibrate ulit ang cellphone ko kaya nilabas ko ulit.

Captain Boy:

Y so silent?

Ako:

Wala lang, napagod lang ako sa kakatawa kanina.

Captain Boy:

U look cute wen ur laughing kanina. :)

Uminit bigla ang pisngi sa message nya. hindi ko sya nilingon pero nakikita ko sya sa reflection nya sa salamin ko na naka head set din sya at naka sandal ang mga siko sa nya sa open na window.

Ako:

Wee? Ano naman trip mo?

Hindi ko pa nailapag ang cellphone ko may message na agad sya.

Captain Boy:

Hiningi ni Jomz yung number mo kanina. Hindi ko binigay!

Ako:

Ahh, ok! :)

Captain Boy:

I dont like the idea of letting you to be his textmate

Ako:

Bakit naman?

Captain Boy:

I dont need an antagonist in our story!

Uminit na naman ang pisngi ko, at nag wierd bigla ang feeling ng tyan ko. Ano daw???

Ako:

Seriously?

Captain Boy:

yupZ!

Ako:

What do you mean?

Captain Boy:

I LIKE YOU!

Halos matapon ko ang cellphone ko sa nabasa ko at napabuntong hininga ako. Hindi na ako nag reply at sumandal nalang ako balik sa upuan at sa bintana na nagtuon ng pansin.

Nakita ko sa reflection ng salamin sa bintana na nilingon nya ako at pabalik balik na tiningnan ang cellphone nya.

"kate, bat ka namumula?" tanong Anna sa akin na naka upo sa tabi ko.

Nilingon ko si Anna na naka kunot ang noo , "huh? Antok lang ako."

Nagtama din ang aming mata ni Jelo nong pabalik na ako sa bintana kaya napangusong ngumiti nalang ako sa kanya.

Captain Boy:

R u mad?

Ako:

For wat?

Captain Boy:

To my confession.

Ako:

Nope!

Captain Boy:

I hope you wouldnt change. Sorry about it.

Ako:

Its ok! :)

Captain Boy:

Just forget about it! Sorry again.

At nakita ko na padabog nyang nilagay ang cellphone sa loob ng bag nya at sumandal nalang ito sa upuan.

Hindi ko alam ang gagawain, i hate it when boys close to me confess their feelings. Hindi ako feeler na babae pero sa tuwing may ganito, umiiwas ako kasi ayokong magpaasa ng tao at ayoko ko rin mang basted at maka sakit.

Hindi ako umimik hanggang makarating na sa bahay nila Anna. kami ang unang hinatid sa Team. Bago bumaba, may habilin pa si Kim kay Anna.

"Anna huwag kayong mag night life ha?, maaga mong patulugin si Kate" sabi ni Kim na medyo nasa warning tone ang boses nya.

"oo, huwag kang mag-alala pagkapasok namin patulugin ko na kaagad yan, makawarning wagas lang!" at mataray na bumaba si Anna.

"Kimboy, hindi mabenta ang pinsan mo para sabihin mo yan. Duh?" maarteng sinabi ni Arly kay Kim sabay tapon ng throw pillow.

"che! Basted kana sa akin Arly" supladong hirit ni Kim kay Arly na naging pulutan ng tawanan ng ibang mga kasama namin sa van.

"sa akin Arlita, hindi mo pa man ako natatanong may sagot na agad! N-O... NO!" sigaw ni Jay kay Arly na pababa na sa van.

"like duh?!" pahabol ni Arly kay Kim at Jayson. "i wont waste my time for the both of you!" iritada nyang sabi.

Pagbaba ko, nagpaalam agad ang dalawa sa driver at kay Jelo sa fron seat.

"bye bye Capt!" sabay kuway ni Arly kay Jelo.

"bye insan" sabi ni Anne.

"bye!" ngumite lang si Jelo sa kanila.

Nagtama ang mga mata namin ni Jelo kaya nag taas lang ako ng kilay at matipid na ngumiti. Samantalang sya ay parang nahihiya at malungkot. Ngumiti din sya pero parang napilitan lang.

Umalis agad ang van kasi madilim na at malayo pa ang mga bahay ng mga kasama namin.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon