CHAPTER 52
JELO POV
Ibabot sa akin ni Kuya ang mga pictures na kuha niya kay Kate para sa port-folio ni Kate. Pagkatapos nyang masara ang pintuan nya, agad naman akong nagpunta sa kwarto ko para isa-isang tingnan ang mga ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa ilang pictures na nakita ko. Bakita ganito? Nabigla ako sa mga kuhang pictures ni Kate.
Naiinis ako sa mga nakita ko. Masyadong maganda si Kate sa mga pictures nya. At iniisip ko palang ang photo shoot na to alam ko na agad to.
Pinatuloy ko pa ang pagtingin sa mga pictures.
Namula ako sa mga nakita ko. Fuck! Port-folio may mga ganitong pose? Ganito kaikli ang mga damit? Gago ka talaga Kuya.
Ang mga ibang mga pictures ni Kate halatadong matagal na mga ito pero bagong recopy lang.
Ilang besis ko inulit ang mga panunuod ng mga pictures nya. Damn! I miss this girl so much!
Naiinis ako na nang-gigigil sa mga pagkakataong tulad nito. Hanggang pictures ko nalang siya nasisilayan.
......
Hapunan at sabay kaming kumain na tatlo. Napag-usapan nilang dalawa pano sila pupunta sa Japan na sa katapusan pa ang leave ni Ate at si kuya naman magstay daw muna para sa business nya.
Sabay silang napatingin sa akin.
"ano?" sabi ko habang nanlalaki ang mga mata ko sa mga titig nilang pareho.
"pwede bang ikaw nalang muna ang mag escort kay Kate sa Yule ball nila?" tanong ni Kuya na halatadong pagod pa.
"oo nga Jelo, friends naman kayo diba?" ani ni ate Mint.
"baka galit yun sa akin at masira ko lang mood non" sabi ko habang patuloy na kumakain.
"hahahaha, mabait si Kate Jelo. Hindi yun marunong magtanim ng galit hindi tulad mo!" sabi ni Kuya.
"dont worry ill talk to Tito para maka leave ka ng one week" nakangiting sabi ni Ate mint.
"one week? Tagal naman. Mag escort lang one week talaga?" nabigla ako sa one week na asabi ni Ate.
"baka nga bro kulang pa yan pagdating mo doon. Iba si Kate kasama nakaka-enjoy!" gatong ni Kuya sa mga sinabi ni Ate.
"kilala ko si Kate, puro lang yun aral ang gagawin nya" sabi ko naman para hindi mahalata ang excitement ko.
"tapos na ang practicum nun, inaayos nya nalang mga papeles nya para sa graduation at pag-uwi nya" sabi ni Kuya.
"tulungan mo narin sya Jelo para mapabilis ang gawain nya" malambing na sinabi ni Ate.
"bro iniwan ko ang car ko sa parking lot ng pad nila Kate, kunin mo nalang kay Kate ang susi para may service kayo. Baka pumayat ka pag kasama mo syang maglakad." tawa ni kuya.
"maglakad?" kunot-noo kong sabi kay kuya.
"oo, matipid si kate. Kaya naglalakad lang yun" tawa nya.
"hindi talaga sya nagbabago" sabi ni Ate na umiling pa.
.......
Ngayon ang alis ko papuntang Japan. Si ate lahat ang nagset para sa akin. Kabado ako masyado kasi first time ko tong pumunta kay Kate.
Paglapag ng eroplano, kabado akong lumabas ng waiting area. Nakita ko si Kate na naka upo at nakahalukipkip ang mga braso. Walang kahit anong emisyon ang kanyang mukha nang makita nya ako.
Naka shorts sya ng maong na kupas at suot nya ang bigay kong damit sa kanya noong paalis sya papuntang Japan. Stripe na red pull over.
Matipid syang ngumiti at tumayo nang nakatayo na ako sa harapan nya. Kinuha nya ang isang trolley ko at siya ang humila papuntang labas ng airport.
"naka book na ako ng room mo sa hotel, 321 ang room number mo. Ito ang susi" inabot nya sa akin ang susi at nakayuko na syang patuloy na naglakad.
"hatid muna natin ang mga gamit mo sa hotel mo tapos kakain tayo" sabi nya habang naka pila kami sa waiting area ng taxi.
"okay" matipid kong sagot.
Since kanina hindi nya pa ako natingnan sa mukha, panany ang yuko nya. Mahaba narin ulit ang buhok nya. Pumuti na sya lalo, pumayat at naging mature narin kesa sa huling nakita ko sya.
"Shien Tower Hotel" narinig ko na sinabi nya sa driver ng taxi cab. Magkatabi kaming umupo sa likuran pero nasa bintana ang mga mata nya.
"kelan pala ang graduation mo?" pambasag ko sa katahimikan naming dalawa.
"sa 31" tipid nyang sinabi sabay yuko ng ulo nya.
"advance congratulations" sabi ko sa kanya.
Ngumiti sya akin "thanks" sabi lang nya at binalik na naman ang mata nya sa bintana.
Mabilis ang takbo ng taxi, pagkatapos magbayad ni Kate. Tinulungan nya ako sa mga gamit ko.
"dito nalang ako sa lobby maghihintay" sabi nya at agad naman akong tumango at sinuot ang backpack ko at hinila ang trolley ko papuntang elevator.
Maganda ang hotel, sosyal. Si Ate ang nagbook nito dito raw sila laging naga stay pag nandito sila.
Pagpasok ko ng room ko. Tumambad sa akin ang malaking room na may malaking glass window at may terrace pa.
Hindi na muna ako nag tanaw-tanaw pa kasi si Kate nasa baba pa at naghihintay.
Paglapag ko ng mga gamit ko, nagpalit ako ng t-shirt, nagsipilyo at naghilamos muna bago bumaba sa kanya.
Nabigla ako sa reaction nya nang makita nyang akong papalapit sa kanya. Suot ko ang bigay nyang t-shirt noon sa akin. Naka pants ako at naka shades.
"kain muna tayo?" ngumiti sya at tumalikod agad.
Napangiti ako sa ginawa nyang pag-iwas sa akin ng tingin.
Nagsakay kami ulit sa taxi at may sinabi syang japanese word na hindi ko masyadong narinig.
Inabot ko sa kanya ang wallet ko "ikaw na bahala magbudget, wala akong alam sa money dito" at ngumiti ako sa kanya habang pinagmamasdan ko sya ng mabuti.
"okay lang Jelo, meron naman ako dito" inilahad nya pabalik ang wallet ko pero napa ngiti lang ako. "you know me Kate, i dont let you pay." napayuko nalang sya.
Hinawakan nya ang wallet ko ng mariin at nakadungaw parin sya bintana. Siguro hindi nya parin nalilimutan na nagagalit ako noon kapag sya ang gagastos pag magkasama kami.
Bumaba kami sa isang restaurant. Parang food chain. Nang makahanap na kami ng pwesto, agad syang tumayo at nag-order ng kakainin namin.
Napatingin ako sa palibot, halos lahat ng kumakain ay Japanese, iilan lang ang mga foreigner at halos wala akong makitang pinoy.
Pinagmasdan ko syang naglalakad pabalik sa table namin na nakayuko hawak ang wallet ko. Umupo sya sa harapan ko inayos ang bag nya sa tabi nya.
"dito kaba madalas kumakain?" tanong ko sa kanya.
"hindi naman, minsan lang pagkasama ko si Timmy pangit at Toffi luck" matipid syang ngumiti.
"after nito san tayo pupunta?" agad kong tanong para hindi kami maging awkward dalawa.
"sa pad namin, kukunin mo yung kotse ni Timmy pangit, yun yung gagamitin natin sa pag-ikot-ikot dito sa Tokyo" sabi nya habang nagtetext sa iphone nyang bigay ko pa sa kanya.
"nice phone!" sabi ko at nakita kong tinago nya agad ito sa baba ng table.
"kaya nga, matibay talaga to" napangiti sya na nakakunot ang ilong nya.
"mana siguro sayo!" napatawa kong sabi.
"anong sabi mo?" kunot noo nyang tanong.
"wala, sabi ko ito na siguro ang order natin" sabay turo sa waiter na may dalang tray at papunta sa table namin.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...