Chapter 17

5K 137 0
                                    

CHAPTER 17

JELO POV

Nandito kami ngayon kina Anna. Nag-usap ang mga parents namin. Parang kunting emergency meeting sa side ng Mom kasi nalaman namin na darating ang mga pinsan namin galing states, yes darating ang bestfriend kong pinsan na si Clayton this end of the month. Dito sila mag November 1 sa Pilipinas.

Habang nasa kearto ako ni Anna at nanonood ng movie kasama ang ilang mga pinsan namin naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Agad ko itong kinuha at binasa.

Mine88:

Cge Toff, Goodnight. Thanks! :)

"FUCK!" napasigaw ako bigla at napatayo. Nakita ko na tumingin ang mga pinsan ko sa akin.

"anyare?" maarteng sabi ni Irah.

"wala, sorry napalakas ata?" palusot ko.

Nakita ko na iba ang tingin ni Anna sa akin, dinungaw ko ang wall clock sa kwarto ni Anna. 10:30 na. Almost three hours na syang last na nagtext ah. Bakit si Toff ang katext nya?

Napayuko ako at nawalan na ng ganang manood. Nag-isip ako ng positive na reason bakit nya katext si Toff, pero sumakit nalang ang ulo ko wala talaga akong maisip na reason.

Naiinis na ako, gusto ko syang tawagan or itxt manlang para itanong pero ayokong magsimula ng away sa amin or ayokong isipin ni Kate na possessive ako at pinagbabawalan ko na sya.

Instead na magreply, kinalma ko ang sarili ko. I trust her and she's not bitching around. I must trust her.

.......

Kinabukasan maaga akong pumunta ng school, nag-isip ako ng paraan na makuha ang phone ni Kate na hindi sya magduda or hindi nya isiping nagagalit ako.

During recess, sabay parin kaming kumain sa canteen. Napansin ko ang mga titig ni Toff sa kanya. Umiinit na ang ulo ko. Pigilan nyo ako ayoko ng away.

"Mine patext ako pwede?" bigla ko nalang nasabi sa gitna ng inis ko.

Agad naman inabot ni Kate ang phone nya sa akin. "magpa-unli ka kasi para unlimited ang saya!" bulong nya sa akin na mas lalo lang nagpakunot ng noo ko.

"marami kabang katext Mine?" tanong ko ulit sa kanya. Ngunit ngumiti lang sya at nag smirk.

Inupen ko ang phone nya at nag scroll ako. Nakita ko ang isang unknown number na after sa akin ang taong huling nagtext sa kanya kagabi.

Binasa ko ang conversation nila. Naiinis ako sa mga nabasa ko pero wala na akong magagawa. Ibabalik ko ang phone nya nang biglang may nagext. Unknown number.

Unknown:

Very cute today Kate!

Nainis ako ng sobra kaya inerase ko nalang agad ang text nya para hindi na mabasa pa ni Kate.

Binalik ko na ang cellphone nya, nakikita ko parin sa peripheral vision ko ang mga titig ni Toff kay Kate, ngunit nag-eenjoy si Kate sa pakikinig sa kwento nina Jay at Kimboy.

"Mauna na kami ni Kate" bigla kong sinabi sa grupo, tumango lang sila kaya hinawakan ko si kate sa kamay at sabay kaming naglakad habang hawak ko ang kamay nya.

Papunta kaming room nya, napatigil ako sa paglakad nang makarating kami sa floor nila.

"Mine may problema ba?" tanong nya ngunit hindi ko nalang pinansin. Patuloy kami sa paglakad hanggang makarating kami sa room nila.

"Mine?" sabi nya, ayaw nyang bitawan ang kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya at pinitik bigla ang noo nya. "texting somebody last night?" sabi na kinagulat nya.

"magluluko ka na ngalang na wrong sent ka pa sa akin" habang nasa bulso ko ang mga kamay ko at diretso ang mga titig ko sa mga mata nya. Hindi ako galit, hindi ko kayang magalit sa kanya nagseselos lang ako ng kaunti.

"sorry mine, nabigla lang naman ako sa text nya promise hindi na ako magrereply ulit." tulis nguso nyang sabi habang nakahawak sa braso ko.

"hindi ko naman sinabing hindi ka pwedeng makipagtextmate Mine, ang akin lang. Piliin mo kung sino ang nirereplayan mo." sabi at ginulo ko ang buhok nya.

"so hindi kana galit?" nakangiting nyang tanong. Tumango ako at ngumiti.

"alam mo bang sobra akong kinabahan kanina nung hiniram mo ang phone ko?" nakahawak sa didbdib nya ang mga kamay nya at halatadong nangatog sya sa kaba.

"nah!" napangiti ako at hinawakan sya sa kamay. "please behave?!" sabi ko at tumalikod na kaagad sa kanya.

"i will!" dinig kong sabi nya.

.......

KATE POV

Huuhuhuhu sobra akong kinabahan kanina nung pag gising ko at nakita ko na kay Jelo ko na send ang last text ko. Sya kasi ang laman ng isip ko kaya tuloy sa kanya ko nasend yun.

Tapos nung nasa canteen kanina sobra akong kinabahan kasi alam ko na pag-uusapan namin to. Buti nalang Lord mabait sya kaya hindi sya nagalit. Promise hindi na ako lalapit or mag rereply kahit kanino.

Umupo na ako sa upuan ko, geometry ang next class ko. Kinakabahan ako sa tuwing ito ang subject namin. Todo effort ako kasi nga diba ako ngayon ang first honor sa klase.

"hoy, nakita ko yun kanina ha? PDA kayo ni Pres, HHWW kayo. OMG ang mga kilay ng mga seniors umangat talaga sayo" bungad ni Arvin sa akin pagka-upo nya.

"talaga? Ehhh... Nakakahiya!" sagot ko naman. Iniisip ko palang yun kanina, bakit nga ba hindi ko yun naisip? PDA nga talaga.

"dont worry dear, infairness bagay kayo kaya wag masyadong mathrill noh?" sabi naman ni Nina. "Isa pa, mas okay nga yung malaman ng campus na kayo na kesa sa magtago pa kayo." dagdag nya pa.

"Corrected by ateng!"pagsang-ayon ni Arvin. "Dapat taas noo ka, kasi ikaw ang first lady ni Pres." maarte nyang sabi na kinurot pa ako sa tagiliran.

"Pero may nakita akong nalungkot sa HHWW nyo ni pres kanina" bulong ni Nina sa amin ni Arvin na sya namang itinaas ng kilay ko. "huh?, sino?" agad kong tanong.

"Hi Drake!" tumayo si Nina at binati si Drake na parang maysakit. Ngumiti lang ito kay Nina. Agad na man syang umupo sa tabi namin at pinagpatuloy ang kwento nya.

"see? I told you!" taas kilay nyang sinabi na naging dahilan ng kilig naman ni Arvin.

Natigil ang kwentuhan namin nang pumasok ang teacher namin. Si Sir Leones. Matalino, magaling sa math at napakaklaro magbigay ng sample. Yun ngalang ang Math talaga ang may ayaw sa akin at hanggang ngayon sinusuyo ko parin ito.

"dahil halos ang buong klase aalis for immersion, may ipapagawa akong project sa inyo. Isang scrapbook ng history ng shapes, colors at numbers. Ihahati ko kayo sa tatlo at kung anong mapili nyo yan ang pagtutulungan nyung gawin. Due be on 15th."

"yung hindi sasama na kagrupo sa immersion pwede nyong gamitin ang time natin para maka pag research" dagdag pa ni Sir.

Kagrupo ko si Nina pero si Arvin hindi. Kasama namin sa grupo sina Drake, Allan, James, Nikko, Avon, Vina, Melany at Grace.

Sampu kami lahat, exact 30 lang kasi kami sa first section. Kaya hindi nahirapan si Sir sa pag grupo sa amin.

Apat lang ang hindi makasama sa immersion, si Vina, Grace, Allan at Nikko. Si Drake ang Lider namin, kaya naman may mga binigay na syang assignment sa bawat isa para daw fair at mas madali ang trabaho.

Naassigned kami ni Nina sa decoration materials kaya sa pagbalik na galing immersion namin bibilhin kasi sabay-sabay naming gagawin yun para daw fair.

Kahit na buhos ang project namin, okay lang excited naman ako sa immersion namin. Huhuhuhu. First time ko ytong mag community service kaya sana naman maging succesful tong project ni Jelo, sana.




hello... plz vote and comment. tnx ahead!

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon