Chapter 6

7.5K 207 0
                                        

CHAPTER 6

KATE POV

Kinabukasan sa school, nagkunwari akong walang alam at walang nakita. Maraming naka tingin sa akin na nakangiti na makakasalubong ko sa hallway.

Pagdating ko sa loob ng classroom may mga ilan akong kaklase na panay ang sulyap sa akin. Pero deadma parin ako.

"ikaw pala ang type nya?" bulaga agad ni Nina na katabi ko sa upuan.

Naka kunot noo ko syang tiningnan at nag tanong "anong type? Who?" sabay lapag ng bag ko sa upuan.

"ahhh, hindi ka nga pala nag eFB, hahahahah sayang hindi mo nakita" nakangiwi ito sa akin at nawalan agad ng gana. "try mo kayang mag open ng FB mo para makarelate ka sa mundo ngayon" mataray nitong sinabi.

"wag na baka ma stress lang ako sa mga issues. You know naman ayokong mag ka wrinkles agad" nakangiti kong sinabi kay Nina.

"Che! Tigilan mo ako, tama talaga hinala ko na ikaw nga talaga ang crush nya" maarteng sagot ni Nina, "well then hindi nga lang ganun ka obvious but ikaw lang naman na manhid ata ang hindi nakapansin ng kakaiba nyang titig" pahabol nya.

"sino nga?" tanong ko.

"si pres!" madiin nyang sagot.

"huh? Si Jelo? Ganun lang talaga sya maka titig parang may lihim na plano pano ka patayin" sabay tawa ko na parang walang big deal dun. "pati ba naman ikaw Nina?" pahabol ko.

"Che! Haba ng hair mo teh, paki ayos naapakan ko na oh?!" mataray parin sya kahit na dinideadma ko na ang issue.

Si Nina ang bestfriend ko sa klase, since first year lagi kaming magkatabi ng upuan. Nasa honor list din sya. Matalino, maganda at chinita. Mahilig syang mag-blog at mag sulat ng poems. Sa lahat ng friends ko si Nina ang hindi maarte sa lahat. Pareho kaming simply lang at cool manamit. ... At super crush nya si Kimboy.

.....

Dahil exam week na, hindi ako sumasali sa training muna kasi kaylangan kong mag double time sa pag-aaral. Excuse ako basta may exams kasi hindi katulad ng varsity section na maluwag at madali lang ang mga exams sa amin halos magbigti kami sa pag aaral para lang makasagot.

Habang nasa gitna ako ng pagsusunog ng kilay ko sa pag-aaral. Napansin ko ang cellphone ko na panay ang vibrate. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag...

Captain Boy calling....

'hello" sagot ko kaagad after makita ang 3 missed calls nya.

[hi kate, musta?] tanong nya agad.

"okay lang ito tandang sora parin hehehehe' sagot ko.

[i miss you] mahina nayang sinabi na agad na nagpakiliti ng tiyan ko.

"wee? Namiss mo na akong asarin noh?" pagpipigil ko sa kilig ko.

[nah! i miss you big time!] seryoso nyang sinabi.

"asus! Nakita kita kanina sa canteen"

[talaga?] parang nabigla sya

"yup, your with Jay and Kimboy nagpapakabusy kayo"

[hindi kita nakita today, masyado kaming abala para sa preperation ng immersion]

"ahhh, oo nga pala next month nayon noh?"

[oo, you'll come right?] malambing nitong sinabi.

"ill see... Medyo busy ang sched ko kasi diba next week babawi ako sa training"

[kausapin ko nalang si coach, para maka sama ka] huhuhu malakas na ang kalabog ng dibdib ko.

"wag na, need ko rin naman ang training diba?" insist ko kunwari.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon