Chapter 19

5.4K 114 0
                                        

CHAPTER 19

KATE POV

Immersion Field. Pagdating palang namin sa maliit na place na yon. Sinalubong kami ng Baranggay Captain at ng mga kaliga nya. May mga Sk youth volunteers din sila na tumulong sa pagbaba ng mga gamit, at pagkain na ibibigay sa kanila.

Pagdating palang namin, nabusy na agad si Jelo at ilang mga member ng SSG sa pakikipag meeting at pakilala sa mga taga roon.

Binigyan kami agad ng mga assignments na isulat ang mga name ng mga participants para sa name tag nila. Si Anna naman at si Kim ang pares para sa documentation. Habang kami ni Arly naman ang sa name tag.

Maganda ang place, naka bundok sya pero kaya ng bus akyatin, maliit sya na lugar kung saan isang elementary at high school lang meron sila at iilan lang ang mga classrooms.

Nagdonate kami ng mga pagkain, damit at mga gamit sa school tulad ng mga libro at mga sports equipment.

May kasama din kaming mga alumni ng school namin na mga practice doctors para sa check up at health sanitation.

May program kami ngayong umaga, mamayang hapon ang parlor games at get to know sa mga youth nila dito. Mamayang gabi may bonding ang mga SSG at mga volunteers dun sa camp side namin. Tas bukas mag clean drive kami sa buong lugar, matatanim ng flower at magliliga ng basketball. Then afternoon uwian na.

Habang nasa registration table kami ni Arly, patapos na at magsisimula naman ang program.

Nakita ko na maraming nagpapapicture kay Mine, mga kaidad namin at ang iba ay dayo pa daw galing sa kabilang nasud.

Lumapit si Mine sa akin at inabot ang cellphone sa kamay ko "pakitago, baka mamiss place ko" mabilis nyang sabi habang nakatingin sa stage.

Nagsimula na agad ang program. Nag speech si Mine. Ang gwapo nya talaga. Maraming nagtitilian sa kanya kaya hindi sya makapag concentrate sa sasabihin nya. First time ko tong mahawakan ang phone nya, may password pa. 'FOREVERMINE88' Inopen ko ang cellphone nya gamit ang password na yan, pano ko nalaman? Hahahaha.... Nakita ko sa car nya naka ipit, at pinicture ko sya habang nag sasalita sya sa stage.

Ginawa kong cover picture nya yun. Pinalitan ko yung cover nyang girl na naka side view ako at stollen shot pa. Ako yun, 100% sure, kasi sa bag palang alam ko na ako yun, ako! alam ko na ako yun. Bleeh!

Habang nabubusy sya sa stage. Naisipan kong buksan at halughugin ang cellphone nya. Nagsimula ako sa gallery nya. May nakita akong folder na may sulat na 'MiNe' at binuksan ko ito. Nakita ko ang ilang mga pictures ko na mga stollen shots nya.

Wwwaaahhhh!!! Ang cute ko dito... Sa mall to nung namili kami ng mga gagamitin namin sa outing. Hahahaha... Whhaattaaahhh hair!

Hindi ko namalayan, tinawag na kami ng mc para sa intermission number namin. Sumayaw kami, tatlo kaming babae at apat naman ang mga lalaki. Sumayaw kami ng remix dance na kung saan lahat ng usong kanta pinaghalo namin.

Nahihiya ako kasi bigay todo kaming sumayaw at ang mga ka klase namin todo cheer sa amin. Nararamdaman ko rin na nakatingin si Jelo sa akin habang sumasayaw ako kasi nakikita ko sya sa peripheral vision ko.

Salamat naman at natapos agad ang sayaw namin. Makapag pahinga na ako ng tuloy-tuloy.

Nung pababa na ako sa stage, nakita ko Jelo na nasa baba na sya ng stage at nakaharap sa akin, inabot nya ang jacket ko at ngumiti sya sa akin.

........

JELO POV

Hahayyy... My girl dance so well. Mapa ballet man or hiphop. Nakikita ko ang mga reaksyon ng tao sa kanila, nakikita ko rin ang lagkit ng tingin ng mga boys sa kanya. My girl is very attractive. Kahit simple sya manamit naaagaw nya ang mga atensyon ng tao sa ganda nya at kaputian.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon