Chapter 46

5.3K 100 0
                                        

CHAPTER 46

KATE POV continuation

Binuhat ko ang tray at umalis na papuntang office ni Sir, nasa likuran at medyo may ilang hakbang pataas pa ang opisina ni boss Toff kaya kahit anong gawin naming ingay hindi nya kami maririnig sa baba.

Kumatok ako ng tatlong besis bago ko binuksan ang pintuan.

"sir ito na po yung dinner nyo" tumayo ako sa harap ng pinto at naghintay ng utos nya habang nasa harap sya ng computer at busy sa pagbabasa.

"Kate paki lapag nalang dyan sa table ko" sabi nya pero hindi sya nakatingin sa akin.

Agad ko naman inilapag ang tray sa taas ng table nya at tumalikod na para lalabas nang isasara ko na ang pinto ay...

"Kate?!" pahabol nyang tawag sa pangalan ko.

"yes, sir?" binuksan ko ulit ang pinto at lumapit sa kanya.

"stop calling me Sir, Toff nalang please?" sabi nya at ngumiti.

"o-okay!" nagdadalawang isip akong sumagot.

"schoolmate tayo dati right? Pareho tayong pinoy. Rerespetuhin mo naman ako kahit Toff lang tawag mo sa akin diba?" sabi nya at hinila ang tray papalapit sa kanya.

"of course naman po!" sagot ko naman agad.

"stop that 'po' thing im just a year older than you para naman akong super tanda sa po mo." napatawa sya.

"hindi ko alam kung ngingiti din ako or magpoker face. He's my boss and were not that close before. Huhuhuhuhu knowing na ilang besis akong nag refuse sa alok nyang date noon.

"kumain ka na ba?" tanong nya habang nakatingin ang mga singkit nyang mata sa akin.

"hindi pa po sir, 7:10 pa po ang schedule namin ni Micky para sa dinner" sabit ko na naka ngiti.

"kaka sabi ko lang na wag kanang mag po diba?" nag kunot noo syang ngumiti sa akin.

Napatawa rin ako, "yeah, my fault. Sige baba na ako Toff?" sabi ko at tumalikod na agad.

"Kate!" pahabol nya ulit.

"yes?" tanong ko.

"my gagawin ka ba bukas?" tanong nya.

"my volunteer work ako bukas, bakit?" sagot ko.

"ahhh, ganun ba? sige ako nalang bahala" aniya.

"okay!" ngumiti ako at isinara na ang pintuan ng opisina nya.

Pagdating ko sa baba, agad kong nasalubong si Ate Mela na siyang manager namin.

"aayyyiiieee!" tukso nya sabay kurot ng tagiliran ko.

nabigla ako, "ano yun ate?".

"ngayon lang si boss nagpa-utos sa mga waiter ng paghatid ng food nya, usually kasi ako ang naghahatid." nakangiti sya na parang nanunukso.

"parang utos lang, may meaning agad ate?" sabi ko. Medyo na close na kami kay Ate Mela kasi maliban sa pinoy sya, kaparehong probinsya din sya namin.

"sige na mabait si boss, hard working at napaka simple. In fairness Kate bagay kayo!" panunukso nya.

"hindi mo sya kilala Ate" pabitin kong sabi.

Pumunta agad ako kitchen para magtulong sa pag-ayos ng mga plato. Hindi ko nalang inisip ang panunukso ni Ate Mela kasi ayokong ma disturb sa mga gawain ko.

.......

Kinabukasan, late akong nakarating sa Heart Care Center kasi dumaan pa ako sa bookstore para bilhan ng story book si Yuki.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon