Chapter 13

6.3K 200 3
                                        

CHAPTER 13

JELO POV continuation

Matapos ang masayang dinner kasama ang maliit na pamilya nila Kate ay nasa top floor na kami ngayon, dito pala sila natutulog na magpipinsan.

Malawak at half glass ito na may centralized aircon at may sound proof ceiling. May dalawang closed room din pero hindi kalakihan. May isang malaking TV at speaker at ilang pirasong bed sofa.

Tatlong magkakapatid lang ang papa nila Kate, Ang panganay na tito Sebastian nya ang nasa california nag tatrabaho bilang Professor at Medtech naman ang asawa nya si Felina sa isang pribadong hospital. May anak itong dalawa na sina Kassandra at Holley, pero si Holley lang nandito at ngayon para mag-aral sa UP Vis ng Business Ad.

Kasunod naman ang mama ni Kim na isang Doctor, Si Tita Catalina ni Kate, at Manager naman sa bangko ang Dad ni Kim na si Tito June. Tatlo lang magkakapatid sila Kim, ang kuya Karlo nya na nasa manila nag aaral ng Costum, ang next sa kanya ay ang ate ni Kim na si Katleya na sa West nag aaral ng biology, at bunso nila si Kimerson na ka klase ko.

At bunso naman ang Dad ni Kate na si Jefferson, isang CPA Lawyer ang dad ni Kate at Doctor in Philosophy naman sa College ng West Visayas ang Mommy Mariella nya. Tatlo lang din silang magkapatid, Ang kuya Kevin nyang nasa manila nag-aaral ng Engineering, at si ate kristina nyang kumukuha ng Accountancy sa UP visayas.

Pinaka bunso naman si Kate sa lahat kaya sya ang paborito. Sya rin ang pinaka espesyal sa lahat.

Maganda ang family nila Kate at Kim, kasi maliban sa close silang lahat ay pantay-pantay ang pagmamahal para sa isat-isa.

Masaya kasi nag-aagawan sila ng tawag mula sa US, nagtutuksuhan sila na parang magkakapatid lang at ang mga parents nila parehong super close sa kanila.

Hindi ako magtataka kung bakit napa aga akong pinakilala ni kim sa lahat. Kasi ito pala ang klase ng mga taong pakikisamahan ko. I just found my jackpot!

The person i found is far more than to what i asked for. A bestfriend of cousin, im his cousin's bestfriend, im his grand mother's best friend's grandson and suprisingly, i found out also that his Dad was my father's roomate in UP way back to college.

I found my soulmate.... My Kate, my destiny!

.....

KATE POV

Huh?! Ganun ba talaga kaliit ang mundo namin ni Jelo na halos lahat nalang related sa aming dalawa ay pabor sa relasyon namin.

Si Dad at Lola parehongmay ugnayan sa family ni Jelo. Ahhhhh.... Ano to?? Generation to generation ang peg???

habang nasa loob ako ng sleeping bag ko at naglalaro sa tablet ni Kimboy, abala naman sina ate Kat at ate Kristy sa pagpicture sa Laptop at pinopost nila sa FB para ishare kay ate Kassy sa States.

Samantalang ang mga boys naman ay naglalaro sa play station. Si kuya Holley na parang nag eenjoy na kalaro sina Jelo Kim versus sa kanya.

"kate halika dito, magpost ka para ipakita kay kassy" tawag ako ni ate Kat

Madali akong tumayo at lumabas sa sleeping bag ko. Natatawa pa sila ate sa ginawa ko kasi nahirapan pa akong lumabas doon.

Nagpost ako agad na parang sira ulo at natawa kaming tatlo. Naenjoy naman kami sa ginagawa naming tatlo. Magulo at walang suklay ang buhok ko at walang preno akong nagpopost na ikinatuwa naman ng dalawa kong ate. Hindi pa nakonsensya at pinost pa talaga ang picture sa FB at naka tag kay ate Kassy.

Maya-maya nagsimula nang magkayayaan manood ng movie, Horror ang napila nila nila kuya Holey panuorin.

Nagsi pag lapag na ng sofa bed at sleeping bag ang mga ate at kuya ko. Habang nag sisimula din ang movie, panay ang sigaw naming mga babae na ikinatawa naman ng mga lalaki.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon