SIMULA

26.7K 340 0
                                    

SIMULA

Nasa isang sulok ako ng airport at naghihintay na dumating ang mga kaibigan ko para susundo sa akin. Naghanap ako ng mapwestuhan dahil nasabi ng mga matalik na kaibigan ko na baka matatagalan sila sa pagdating dahil sa traffic.

Napaupo ako na hawak ang mga tuhod at nakayuko. Nilagay ko ang mga maleta ko sa aking harapan at ang sling bag ko sa gilid. Nakaidlip ako sa pagod ng byahe na tinahak ko galing Japan.

Si Anna at Arly ang susundo sa akin. Mga matatalik kong mga kaibigan since elementary pa kami. Naging kasama ko sa swimming team at naging kahati at karamay sa lahat ng mga nadaanan ko sa buhay.

Umalingawngaw ang boses ng dalawa nang makapasok na sa waiting area ng airport.

"Kaaatttteeeee!!!!" sigaw nila. Napayuko ako sa kahihiyan dahil sila lang ang pinagtinginan ng mga tao.

"ano ba naman kayong dalawa wala na ba talaga kayong kahihiyan?" galit akong lumapit sa kanilang dalawa.

"ano kaba, natural. Dalawang taon kang nawala gaga, ano ang iniexpect mo?" sumbat agad ni Arly na syang pinaka pranka at maldita sa aming tatlo.

"oo nga naman girl, sorry ha? Nakalimutan namin demure ka pala" dagdag pa ni Anna na sya namang artistic at boyish sa aming tatlo.

"oo na, kayo na nga eh! By the way thanks ha? Nauna pa ang sinundo kesa sa susundo!" mataray kong sabi. "pero infairness kung nagtaxi siguro ako baka nakahiga na ako sa bahay ngayon" napatawa ang dalawa sa sinabi kong yun.

"tara na nga, magsusukat ka pa naman ng gown kasi ikaw ang maid of honor ni ate Kristy" sabi ni Arly at agad naman nitong sinuot pabalik ang kanyang sun glasses na halatadong mamahalin kasi kumikinang pa ang brand na Gucci sa gilid nito.

"alam mo bang hindi alam ni Kim na kayo ang susundo sa akin, sabi ko kasi magtataxi nalang ako para hindi ako matagalan at hindi na ako makaistorbo pa ng mga tao sa city na to" sabi ko habang pinapasok ang mga malita ko sa backseat ng bao ni Anna.

"Duh? As if you are a burden naman noh?" taas kilay na sabi ni Anna.

"oh, Im not! im sure, pero dito sa minie car mo baka pa?" sagot ko na kinatawa pa ni Arly.

"awayin mo na lahat Kate, wag lang tong car ni Anna or else, last mo nang sakay to" pigil tawang bulong ni Arly sa akin.

Napatawa naman ako agad sa sinabi ni Arly. Hindi talaga nagbago ang babaeng to. Pala-away parin. Buti nalang at napag tiyagaan sya ni Jason.

"Ann, how's you and Kimboy?" tanong ko habang nagmamaneho na sya.

"were fine, he likes to support me all the time!" sagot nya sa akin habang preska at feel na feel ang pagmamaneho nya sa car nyang ito.

"yeah! As if Kim never invest patience everyday to your wants Anna" sabat ng maarteng si Arly na sya namang nagsusuklay ng buhok nyang mahaba na kakapost lang nito sa Fb nya na sa Tony Chan pa sya ngpa rebond just for my Ate's wedding.

"and yeah, Jay do the same, right Arly? He's investing patience to your attitude not just everyday dear bestfriend, every seconds of his life!" sumbat din Anna kay Arly.

"That's not funny, your so mean!" taas kilay nyang sabi kay Anna.

"At least not like you friend, Ampalaya!" nagwink si Anna kay Arly at sabay inupen ang window na nasa tabi ni Arly. Nilipad ng hangin ang buhok nya at nagulo ito.

"I hate you with curse whenever you destroy my hair!" matulis nitong tinitigan si Anna at hinampas ng suklay.

"dont worry friend, i knew it from the very start" at tumawa lang ito na mas lalong kinainis ni Arly.

"ito ba ang dapat kong mamiss pagbalik ko ng Japan, girls?" bigla kong sabi.

Nagtinginan silang dalawa sa harapan ko at napatawa bigla.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon