CHAPTER 59
KIM POV
Nandito kami ngayon sa isang bagong bukas na recreational site. Maraming challenges ang nandito. Gift ko to kay Kate at tsaka monthsary gift narin kay Anna na walang kupas ang kakulitan at kagandahan.
"so when are you planning to get married?" tanong ni Arly sa kay Kate habang naka upo kami at kumakain ng lunch namin.
"pagbalik nya after 6 months siguro. I dont know? Hindi rin ako excited pa noh?" sagot naman ni Kate kaagad.
"why?" laglag panga na tanong ni Anna habang hinahalo ang spaghetti na binigay ko sa kanya.
"hello, Im jobless unlike you guys?" maarte nyang sabi na nagpatawa sa akin.
Sabagay si Anna, nagtatrabaho na ngayon bilang Art Teacher sa isang private high school at the same time professional photographer na rin sya. Si Arly naman nasa banko na rin nagtatrabaho bilang Asst. Head ng Finance. Kami nina Jay at Jelo pareho kami ng racket, nasa Bank Investor kami at kung ano pa ang ineinvest namin. May automotive din kaming business na syang naging pareho ang hilig namin. Karera sa motor at karera sa sasakyan. Pero si Jelo nagtatrabaho rin sya sa States as junior architech. Si Dave naman engineer narin. Mayaman pero kuripot parin gaya ng dati. Kaya halos lahat kami may work na at tama si Kate nalang ang walang trabaho.
"ano kaba naman Kate, kahit san ka papasok alam ko na papasa ka kaagad. Ikaw pa?" sabi ko para macheer up sya kasi parang namumutla sya lagi.
"kahit hindi ka naman magwork Kate, hindi ka naman magugutom si Jelo pa? Si banker pa?" biro ni Dave.
"Tama bro, si Jelo papayagan ka pa kayang magtrabaho nun kung kasal na kayo? Asa ka pa?!" sabi ni Jason.
"huwag nyo ngang takutin si Kate, baka atrasan pa nya si Jelo kawawa naman yung bestfriend natin" sabi ko na kinatawa naman ng mga girls.
Oo, nagbati na kami. Masaya narin ako nung malaman ko na nagpropose na sya kay Kate. Nangako sya sa akin na last chance nya na ito kay Kate kaya hindi nya sasayangin.
"papayag naman yun as if naman kelan nya ba nakontrol si Kate ha?" maarteng sabi ni Arly.
"oo nga noh? At tsaka kung mag asawa ba taong bahay agad? Edi maging forever single nalang ako kung ganun? Ano ako gwardya?" dagdag pa ni Anna.
"ano ba naman kayo please lang sumasakit na ang ulo ko sa inyo ha? Infairness!" sabi ni Kate na kina tawa lang namin.
"Ano pala plano mo?" tanong ko kaagad.
"i was invited to work in the tourism department sa region. Im planning to grab it as a working experience at the same time malay mo magustuhan ko rin naman diba?" sabi nya.
"sabagay, tutal nandito naman sa place natin ang regional office nila so impossible namang hindi ka payagan ni Jelo diba?" sabi ni Dave na halata ko lang nauubos nya na ang pizza mag-isa ha?
"halata ko lang bro, naubos mo na ata ang pizza mag-isa ha?" natatawa kong sabi. Napatingin naman ang lahat sa pizza na nasa harap ni Dave.
"Uy Dave akin yan?" nabigla kami nang hablutin bigla ni Kate ang box sa harapan ni Dave. "bakit mo inubos? Kainis naman eh!" naiinis sya habang natatawa naman kaming lahat.
"ganyan talaga yan Kate, inuubos nya mga food namin!" sabi ni Arly.
"grabe naman tong si Arly, as if naman may nashare kang food?" nagtawanan kaming lahat pero si Kate naka busangot lang habang kaharap ang pizza.
"hala ka Dave! Inubos mo kasi kaya tuloy nagtampo na si Kate." gatong pa ni Anna sa sitwasyon. Agad ko naman siyang kinurot sa kamay kasi nga nasabi na ni Jelo sa akin ang changes kay Kate. Mainitin na ang ulo nito.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Genel KurguNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...