Chapter 55

6.5K 125 1
                                        

CHAPTER 55

KATE POV

"nakakainis ka kasi! Sigaw ko bigla sa kanya. Tumatawa sya. Bwesit ang gwapo nya talaga. Gusto ko syang sabunutan. Ang kapal ng mukha nyang magbiro ng ganun pagkatapos ko magtiis sa kanya.

Shit Jelo! Wag mo na akong paasahin pa muli. Pagod na akong umasa pa na magiging okay pa tayo at magiging asawa kita. Ayaw ko nang maging martyr pa ulit.

Diretso lang ang tingin ko sa daan at naiinis ako. Naiinis ako sa puso kung traidor na lumalambot na naman. Nakaramdam ito ng malaking galak at saya sa mga sinabi ni Jelo kanina sa school. Kaya ito sya ngayon mabilis ang tibok at parang gusto nang lumabas.

"i miss you?" seryoso nyang sinabi sa gitna ng katahimikan namin. Hindi ko sya sinagot kahit ramdam ko ang apoy sa mga pisngi ko.

Nang nakapark na ang car sa parking lot ng hotel nya. Bumaba sya at pinagbuksan ako.

Bumaba ako, kukunin ko ang gown na pinagawa ni ate Mint para sa akin. Siya ang nag design nun para lang dito sa last Yule night ko.

Sa elevator, hindi ko sya kinikibo kahit panay ang tingin nya sa akin. Naka sandal sya sa wall at nakahalukipkip ang mga braso nya at ako ang tinititigan nya.

Diretso ang tingin ko sa pintuan ng elevator, hindi ko sya pinapansin.

"sorry na, alam ko pna hindi kana mabiro ngayon." malambing nyang sinabi ngunit hindi ko sya sinagot at napasuklay nalang ako ng buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Pagbukas ng elevator, agad kaming nagtungo sa room nya, binuksan nya ito at naunang pumasok habang hawak ang door knob at hinintay akong makapasok sa loob.

Pagsarado nya ng pinto, sumunod sya sa akin sa paghakbang at hinablot ako agad sa baywang at pinaharap sa kanya.

Hinalikan nya ako sa labi at habang ang mga braso nya ay nakapulupot sa baywang ko.

"i miss you so much Mine, Im so sorry. I want us again. Please?, give me this last chance Mine, ill promise to bet my life for you." pinatong nya ang kanyang baba sa balikat ko habang mahigpit nya akong niyayakap.

Hindi ako makapagsalita sa pagkabigla. Nanatili akong nakatayo.

"i want to spend my whole life with you. Please?" sabi nya habang patuloy paring naka yakap sa akin.

"im sorry for causing you too much heartaches, too much pain, too much grudges" ramdam ko sa boses nya ang boses ng pagsisisi. "let me fix us, i want to save our broken relationship. Please mine?" humarap sya sa akin at nakita ko na tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi ako makapag salita kahit ramdam ko ang init ng luha kong dumaloy na sa pisngi ko. Nanatili akong tahimik at naktitig lang ang mga mata ko sa kanya.

"i know, hindi ko dapat ginawang halikan ka, sorry. Sorry kung hindi ko na nakaya pang maghintay Mine, sorry pero hindi ko na kaya magkunwaring im fine without you?" halatadong puno nang pagsisisi ang mukha nya, ang boses nya at ang mata nyang lumuluha.

Yumuko ako, pinunasan ko ang dinaluyan ng luha sa aking pisngi at ngumiti.

"mauna na akong magshower, if dumating si Ganda, paupuin mo nalang. Tatawagan ko sya na dito nalang kami magkita" at tumalikod na. "pagamit ng CR mo ha?" sigaw ko habang naglalakad patungo sa loob ng kwarto nya.

Naiwan ko syang nakatayo at ngumingiti.

......

Pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower, naka upo ako sa harap ng salamin. Nakita ko syang lumabas galing sa CR na naka tapis nalang tuwalya ngunit nakapunas na. Diretso sya sa closet at nagsuot ng paborito kong white shirt nya noon at nag short na rin.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon