Chapter 50

5.9K 117 3
                                        

CHAPTER 50

JELO POV

Nasa States ako ngayon, pinatulan ko ang offer ng Dad ko na dito magtry magtrabaho. Para maiba naman ang takbo ng buhay ko.

Nakapasok ako bilang Junior Architect sa construction company nya dito sa California. Sa biniling Aparment kami ng Ate ko nakatira, para din daw may kasama sya.

Day-off ko ngayon, gaya ng dati sa tuwing darating ang araw na day-off ko, naglalaba at naglilinis ako ng bahay namin. Hindi ako lumalabas para din makaiwas na sa ano mang temtasyon na handang tumuklaw sa akin.

Gusto ko nang ayusin ang takbo ng buhay ko. Gusto ko nang kunin ulit ang trust ni Kate.

Habang naka upo sa salas namin at nagbabasa narinig ko na tumunog ang laptop ni Ate Mint, agad ko itong nilapitan at inupen. FB nya pala itong kanina pang tumutunog.

Tiningnan ko at binasa ang message na nagpop-up si Kuya Jack yun.

'i met Kate last night with her cousins. She's fine. Payatot! She's always with Toff.'

'i think there is something between them. I trust Kate but she deserve to be happy, ayt?'

Nanigas ako sa nabasa kong message ni Kuya Jack. Si Toff? Pano sya nakarating sa Japan? Tangina! Iniisip ko palang ang nakaraan pano titigan ni Toff si Kate umiinit na ang dugo ko.

Magkaibigan si Kuya at Toff, sa airsoft sila nagkakilala, ang alam ko investment ang hilig nilang dalawa ni Kuya. Dont tell me pati Japan pinasok narin ni Toff?

Nag-puff-up pa ang isang message nakasulat sa hindi ko maintindihan ang name nya.

'i miss you ate :) hope to see you soon!'

Binuksan ko ang profile ng nag message kay Ate. May kung anong nagtulak sa akin na buksan ito. Nabigla ako sa nakita kong profile pic.

Si Kate nga, napatitig ako sa profile picture nya na para bang naiinis ako kasi namimiss ko sya na parang naiinis ako kasi si Toff, bakit bigla syang nasali sa kwento, sa storya at sa buhay ni Kate.

Ibang-iba na si Kate, hindi na sya ang dating Kate na unang nagustuhan ko. Malaki na ang pinagbago nya.

Nag scroll down ako sa timeline nya at nagbasa ng mga status nya.

'when your still waiting for an unsure future with him, yet you unnoticed someone who's doing the same thing for you... Waiting!'

'i cant remember when was my last tear drop fall?'

'happy day at the bay with this certain man! Had a great dinner with him.'

'i hate you for making me cry last night in your car! Gggrrr... You have to pay my tears a load full of maki!'

Nakita ko na may nag comment sa status nyang yun.

'yup i will cry baby! Ill pick you up early toms to pay your tears. Missin' you so much now!'

'you look awesome in this pic, i miss you around so much!'

Galing kay Toff ang comment. Nanginig ako at parang naghina.

Isinara ko na agad ang laptop at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong hinati sa dalawa. Para akong natalo ng milyon at para akong namatayan.

Gusto kong matulog at wag paniwalaan ang mga nabasa ko at nakita ko.

Nakadapa ako ngayon sa bed ko at naka subsob ang mukha ko sa unan. Naramdam ako ng init na nagmumula sa aking mga mata. Naramdaman ko rin ang basa na bumalot sa mukha ko.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon