CHAPTER 10
JELO POV
Katatapos lang ng training at nasa labas ako ng female bathroom, hinihintay ko si Kate. Kakausapin ko sya. Ayaw ko na hindi pa kami umabot ng isang linggo ay may hindi na agad kami pagkakaunawaan.
Sabay silang lumabas na tatlo, Si Anna, Kate at Arly.
Nung makita nila ako, naglakad agad ang dalawa at naiwan si Kate.
"sorry na." malambing kong sinabi habang nakatitig sa mukhang angel kong girlfriend.
Ito yung mukha na parang bawat oras paiba-iba sa paningin mo ang ganda nya.
Hindi sya kumibo, naglalakad na kami palabas ng pool.
"im just kidding, si ate ang katext ko kanina. Wala akong ex alam mo yan." sabay suyo ko sa kanya na umiiwas ng tingin sa akin.
"tsk! Never mind!" ngumiti sya pero halatadong naiirita.
"Mine?, ayaw kong uuwi tayo na hindi tayo ok." paglalambing ko habang naka hawak sa balikat nya.
"oo na, naiinis ako. Kung may katext ka, wag mo nalang sabihin kung sino para hindi ako mag isip ng masama." naka pout nyang sinabi na nagpangiti sa akin....
"really cute!" and i pinch her cheeks at nakita ko na namula talaga ito.
"ouch!" sabi nya at hinimas ang mukha nya.
"hindi ka naman nag reklamo kanina when your classmate pinch your cheek" sabi ko na may tonong pang-aasar.
"huh? Bakit naman ako magrereklamo? Bakla yun" she said as i feel relief.
"kahit na. Lalaki parin yun. I dont like seeing someone touching you.... Coz your only MINE!" madiin kong sinabi sa kanya na may halong paghahamon.
Napangiti lang sya at tumango. "seloso!" sambit nya sabay hampas ng mahina sa braso ko.
"abah?! Parang ikaw hindi noh?" biro ko sa kanya sabay gulo ng buhok nya.
"ahhhhh!, nakakahiya kaya. Wag mo nang iremind please?!" parang batang nag inarte at nag pout pa.
"ang cute mo nga eh, damay lahat pag nag selos ka mine." napapangiti ako. Kinuha ko ang bag nyang naka sampay sa balikat nya at naglakad na kami palabas.
"isa pa!" parang bata syang nag paawat na may death glare pang kasama.
"i really love you mine!" mahina kong sinabi na diretsong nakatitig sa mga mata nya. Gusto ko syang yakapin pero ayaw nya yun, alam ko na PDA yun kaya ginulo ko nalang ulit ang buhok nya.
Napayuko lang sya at napa ngiti. Wala nah! Tumaba na ang puso ko Kate sa ngiti mo.
Nasa parking lot na kami, pinasok ko na ang bag nya sa loob at sya naman ay nagpaiwan kina Arly at Anna.
Pinasok ko narin ang bag ko sa loob ng sundo kong Fortuner. Hindi ako sumasabay sa kanila pauwi kasi ayaw ni Dad na mas gabihin ako. Magkakalapit lang kasi ang mga bahay nila na halos lahat ay walking distance lang o isang sakayan lang papuntang school. Ako lang yung nag iisang nasa malayo ang bahay.
KATE POV
Nag-uusap kami nila Anna at Arly tungkol sa labas namin this friday night. Oo, mag boys hunting na naman sila. Hindi naman maglalandi. Maniniguro lang na may Adan pa sa mundo.
Habang tawa kami ng tawa sa kwento ni Arly tungkol sa textmate nya, natatanaw ko naman si Jelo na seryosong nakatingin sa akin habang kausap sina Kim at Jayson.
Binunot ko ang Cellphone ko at nagtype ng message.
Ako:
Love you too, Mine ko!
BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...
