CHAPTER 54
JELO POV
Maaga syang dumating para sunduin ako. 5am ngayon dito sa Japan at nababalot pa ng lamig at katahimikan ang paligid.
"hoy! Gising kana!" sigaw nya at sabay open ng curtains. "marami tayong pupuntahan kaya dumising kana!" naramdaman ko ang pagyogyog nya sa akin.
Hindi ko sya pinansin, nagkunwari parin akong tulog. "Angelo gumising kana nga!" hinila nya ang mga kamay ko para patayuin ako.
Hinablot ko sya bigla, pinahiga at niyakap sa tabi ko. "5 minutes more please?" naramdaman ko na naninigas sya sa biglaang pagyakap ko. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
"Jelo pag hindi mo ako bitawan, iiwan kita dito!" galit nyang sabi.
"ang damot mo na talaga sa akin ngayon." pinakawalan ko sya. Agad naman syang tumayo.
"ang drama mo! Bangon na kasi ipapasyal pa kita. Dapat makauwi tayo before 5pm" hinihila nya ako patayo.
Tumayo ako at napatitig ako sa kanya. Matagal ko syang tinitigan. Nagkinut noo lang sya sa akin at umiwas ng tingin.
"Damn! I miss you so much Mine!" napangiti ako sa sinabi ko. Umiling nalang ako at dumiretso na ng banyo.
Naiwan syang nakatitig sa akin kahit na nakatalikod na ako. "i know you miss me too!" nilingon ko sya at sinabi yan at agad ko naman nakita ang pagkalaglag ng panga nya.
Pagkatapos kong maligo at makabihis, hinanap ko agad sya sa paligid. Naabutan ko syang nakatayo sa terrace at may kausap sa phone nya.
"yup, i will see you this evening. 6PM." sabi nya sa kausap nya.
"dont worry i wont be late, promise!" dagdag nya pa.
"My friend is here in Japan, he paid me a visit. So please dont worry i will be there 6PM sharp!" sabi nya at binaba at pinutol ang tawag.
"Oh my God!" nabigla sya nang makita akong naka tayo sa likod nya. "kanina ka pa ba dyan?" tanong nya sa akin.
"oo, bakit?"sagot ko sa kanya.
"lets go!" sabi nya at nauna na agad itong naglakad.
........
KATE POV
Nagpunta kami sa Coffee Shop pero wala si Toff, nagpunta raw kay Marie sa Okinawa para samahan ito sa pictorials nito.
Doon kami nag breakfast, pinatikim ko sya ng mga specialty namin. After ng breakfast dumiretso na agad kami Heart Care para ipakilala sya kay Yuki.
Naabutan ko si yuki na nakaupo sa favorite spot nya at nakatingin sa mga ulap. Tumakbo ako ng makita nya akong kumakaway sa kanya.
Nasilayan ko ang ngiti sa mukha nya, gusto nyang tumayo pero kitang-kita sa mukha nyang nanghihina na sya.
"kate!" sigaw nya na agad kong niyakap.
"how are you? I really miss you!" agad ko syang hinalikan sa noo. At nagsukli naman ito ang matamis na ngiti.
"i have something for you." inabot ko sa kanya ang dala kong paper bag.
Binuksan nya naman ito at dinungaw ang bigay kong regalo. "wow Lego!" masaya syang ngumiti sa akin. "thank you Kate" niyakap nya ako ng mahigpit.
"advance happy birthday!" bati ko.
"thank you" napaiyak sya ng nakita nyang pinakita ni Jelo ang cake na dala namin para sa kanya na may nakailaw na kandila.
"i want to celebrate it advance with you, ill be busy on that day so and maybe you too." masaya kong sinabi sa kanya.
"maybe?" sagot nya naman. "who's with you?" tanong nya pagkatapos nyang hipan ang cake nya.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Ficção GeralNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...