Chapter 42

5.9K 118 5
                                    

CHAPTER 42

KATE POV

Sunday ngayon, kagagaling lang namin ni Kim sa Sta. Barbara para bumisita, hindi kami nagtagal kasi walang tao dun, nasa states sina Lola at Lolo para sa medication ni Lolo at bakasyon narin.

Nagpahatid ako kay Kim sa mall para mag-ikot at maghanap narin ng pwedeng ipasalubong sa mga kaibigan ko sa Japan. Mabuti nayong mas maaga akong makabili para hindi ako mahirapan.

Napadpad ako sa booksale, pagkakita ko ng mga libro na parang sinauna pang panahon, nanlaki agad ang mata ko. They said books before are far better than today. Hmmp! Kaya naman ako eto nah at naghanap agad ng pwedeng makasama sa bakasyon ko.

Im planning to buy at least 3 novels para may makasama ako sa pagbakasyon ko papuntang Hegantes Island. Hindi ito sikat, hindi rin kilala. Naisipan akong puntahan ito para idagdag sa travel experience ko na gagawin namin before leaving Japan after graduation.

Tatlong araw ako dun mamalagi, kukuha ng pictures, trace the history and explore the island. Naging tourism student ako kaya ito ang mga gusto kong gawin sa bawat bakasyon na meron ako. Kumuha ng bagay na pwede kong ibahagi sa iba.

Pumila ako sa counter at nagbayad na.

Agad akong nag-ikot pa, napunta ako sa isang cellphone center, naghanap ng bagong case ng phone kong antique na, mine dynasty pa at untill now hindi pa napapalitan ang case. Nakahanap ako black na color ng case at rubber pa.

Nagpunta ako sa isang food chain para doon magsnack. Umupo ako at nilapag ang bag at mga binili ko, nang biglang may umupo sa harapan ko na kinalaki ng mata ko.

"that anime eyes again friend?" si Jelo, ang batang pakelamero.

"anong ginagawa mo dito? Stalker ka noh?" bigla kong sabi na may matulis na tingin sa akin.

"hahahaha, kanino sayo?" napatawa nyang sabi.

"hindi noh, ano ako double A, asyumera at asang-asa?" sagot ko naman agad. "sige, lipat nalang ako ng ibang table." inalsa ko ang mga pinamili ko "goodluck nalang sa pag stalk Mr. Persus" aalis na sana ako nang hinawakan nya ang braso ko.

"ano ka ba Kate, were friends nagkataon lang to na nagkita tayo dito" sabi nya agad at tumayo sya para kunin ang mga hawak ko.

"umupo ka nga, marami akong itatanong sayo about sa ginawa mong style ng garden ni mom" sabi nya pa at hinila ako paupo.

"bakit anong problema sa garden ni Tita?" tanong ko kaagad.

"pwede umorder muna?" nakakalokong ngiti ang binigay nya sa akin.

"okay, ako na ang oorder. My treat!" tatayo na sana ako pero inunahan nya ako at sinabing "kelan kapa natutong manlibre? Next time kana kung mas mayaman kana sa akin" at agad talikod at tumawa.

Anong trip non? Nasiraan na siguro ng ulo, kung manlilibre ba mayaman agad? Bakit ano pala akala nya ibibili ko sya ng mamahalin? Duh?! Sundae lang naman ang ililibre ko sa kanya, double A talaga!

Habang nakatayo sya at pumipila, nakita ko ang mga mata ng nasa paligid nya. Nakatingin sa kanya na akala ba nila artista si Jelo? May mga kinikilig na parang mga high school students.

Si Persus yan, wag kayong maakit dyan. Kawawa lang kayo. Baka matulad lang kayo sa akin!

Nung nakita ko syang nakatayo na sa harap ng casier at umuorder, napatingin sya sa akin at nagtanong "wife you want sundae?" at ngumiti.

Nabigla ako sa tinawag nya sa akin. "huh?" yan lang ang nasagot ko sa kanya at ikinatawa nya.

Pagbalik na sya sa table namin at hawak ang tray ng pagkain, nakasunod parin ang mga mata ng mga babae sa kanya, parang ngayon lang sila nakakita ng dakilang babaero na ganito ka gwapo..

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon