CHAPTER 58
KATE POV
After ng graduation, nagtagal pa ako ng halos isang buwan para tapusin ang lahat ng aking papeles sa Japan. Mga records ko sa University at lahat ng pwede kong maging possible na kakailanganin ay kinuha ko na.
Naging okay naman kami ni Jelo, balik kami sa dati Face Call, Video call at Viber lagi. This time sya na ang hari ng kakulitan. Halos time to time tatawag sya. Natatawa naman ako kasi makwento na sya, naging panatag narin ako kasi alam ko na hindi sya makapagloko doon kasi nandoon sila ate Mint at Timmy pangit!
Kami nalang ni Mickey ang naiwan sa pad, nakauwi na sila Karen, Jane at Alma. Records lang kasi ang kinuha nila, kami ni Mickey pati mga certificate ng volunteerism hinabol pa namin.
Habang nag-iimpake kami ni Mickey, panay ang halughog ko sa mga groceries namin.
"anong hanap mo teh?" tanong niya sa akin.
"hinahanap ko yung wasabi coated na peanuts na nakita ko dito last week." sagot ko habang nanggigil na talaga ako sa paghahanap non.
"wasabi coated?" nakita ko syang nagkunot noo sa harap ko.
"oo, yung wasabi coated na peanut. Color green ang wrapper nya" sagot ko sa kanya.
"ahhh, tinapon ko na yun hindi natin namalayan na ang nakuha natin may butas pala" sagot nyang nakangiti at naglakad na diretso sa harap ng TV dala ang kanyang ibang mga gamit.
"whatttt???" nainis ako sa sinabi nya. "bakit mo tinapon? Paborito ko pa naman yun!" sabi ko na kinabigla nya.
"okay ka lang? May butas nga diba?" sabi nya na parang kakaiba sa mukha nya.
"never mind!" nagsimangot ako at pumasok nalang sa kwarto namin.
......
MICKEY POV
Napansin ang kakaibang pagchange ni Kate. Last week pa syang ganyan. Madaling mairita at mainitin ang ulo nya. Laging nagrereklamo na pagod sya at nagugutom.
Naawa narin ako kay Jelo kasi lagi nya nalang ito sinisigawan at tinatarayan. Tapos kung hindi naman tatawag namimis nya naman. Umiiyak sya pag nabibitin sya sa mga kinakain nya at ang worst pa, nahihilig sya sa kulay pink.
Mood swing lang siguro or maybe people change?
Tumunog ang cellphone ko at si Jelo ang tumatawag. Siguro ppinagtripan na naman ni Kate kaya sa akin na sya tumawag.
'hello Jelo?'
[hi Mickey, kamusta kayo dyan ni Kate?]
'eto okay naman, yung certificate nalang ng heart center ang hinihintay namin tapos next week sure na uuwi kami.'
[buti naman]
'Hindi mo na naman sya makontak noh?'
[oo, baka busy sya kaya naka off ang phone nya]
'ayy, oo sobrang busy sa kakaemote dahil lang sa wasabi coated peanuts nyang tinapon ko kahapon'
[ha? Sabi nya nasa heart center kayo at pumipila?]
'hahahah, oo nasa heart attack sya. May bomba na naman sigurong sumabog sa utak nya kaya ayon todo inarte nya.'
[hahaha, pasensya kana Mickey. Baka may regla lang sya]
'regla? Hindi pa nga nabawasan ang napkin namin sa cabinet at tsaka ako ang unang nagkakaregla dito sa bahay namin imposible naman'
[baka nga wala sa mood, pagpasensyahan mo nalang ha? Thanks pala. Sige bye]

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...