CHAPTER 16
KATE POV
Nasa canteen na kaming tatlo, bumili kami ng tubig at the same time nag snack narin. After kong mabasa ang text ni Jelo, kinalma ko ang sarili ko na hindi nila ako mapansin na kinilig ako.
"Ateng san ka naglunch kanina, bruha ka hinanap kita!" tanong agad ni Arvin nang makaupo na kami.
"hah?" hindi ako makasagot, nahihiya akong sabihin sa kanila na sabay kami ni Jelo naglunch. "umuwi ako Arvin para kumuha ng gamit for practice this afternoon" sabi ko sa kaagad para hindi na sya mag isip pa ng kung ano.
"ganun ba? So ibig sabihin si pres umuwi din noh?" tanong nya kay Nina at nagkaisa pa silang mag high five.
"oo nga, sakay ng puting kotse ni pres noh?" sagot naman ni Nina kay Arvin.
"sa Try Me siguro sila umuuwi Ateng noh?" tanong ulit ni Arvin kay Nina.
"oo nga, kasi nga naman friend si pres pa raw ang naghalo ng food nya" napanganga ako sa sinabi nilang dalawa. Pano nila yan nalaman?
"oo na, sabay kaming naglunch may sinabi kasi sya sa akin" sabi ko na alam kong namumula na ngayon ang mukha ko sa hiya.
Natawa silang dalawa at naghigh five ulit.
"sabi sayo Nina eh, tama yung hula ko" sabi nya kay Nina na agad namang paglaglag ng panga ko.
"Kate seriously? Gawa-gawa lang namin yun pero umamin ka? Hahahahha, so ibig sabihin yun yung nangyari kanina?" bungisngis na tanong ni Nina sa akin.
"nakakainis kayo, promise!" ang tanging nasagot ko lang.
"Ateng as if hindi naka routine ang life mo noh? Your so so boring life!" maarteng sabi ni Arvin sa akin.
"oo nga, kahit naka pikit ako memorize ko na ang routine mo friend" tawa rin ni Nina.
"if wala ka dito sa school, 100% nasa Try Me ka lang at same teriyaki meal parin ang order mo. Iiba lang kung sunduin ka ng Dad mo kasi may emergency or if kasama mo si papa Kim" sabi pa ni Arvin.
"i hate you, as in!" nahihiya kong sabi sa knila.
"you should try another routine dear friend, nandyan naman si Pres why not try to make plans na hindi mo usually ginagawa" dagdag pa ni Nina.
Nahiya ako sa kanila. Tama sila. Im keeping my antique routine everyday.
Napayuko nalang ako sa hiya. Para akong binagsakan ng langit, Tama ang mga kaibigan ko. Kaya siguro boring ako kasi same routine lang ang track ko.
Pabalik na kami sa convention hall at sila naman sa SSG office nang makita namin si Jelo na nakatayo sa tabi ng pintuan ng office nila at parang busy na may kausap sa phone.
Nauna na sila Nina at Arvin na pumasok sa office nila. Didiretso na sana ako ng convention hall at dadaan sa likuran nya ng bigla nya akong hinarangan at ngumiti sya sa akin. Habang hawak nya ang phone nya at nakadikit parin sa tenga nya, he mouthed me 'wait lang' at patuloy syang nagsalita sa kausap nya sa phone sa harapan ko.
Inaliw ko ang sarili ko sa pagbasa ng mga naka post sa bulletin board ng SSG habang nag-aantay sa kanyang matapos ang katawagan nya.
"are you okay?" tanong nya agad sa akin habang nilalagay sa bulsa nya ang phone nya.
"yup, why?" sagot ko naman agad.
"san kayo galing?" tanong nya habang nakapamulsa ang mga kamay nya at tuwid syang nakatayo sa harapan ko.
"sa canteen lang, nagpalamig" naka ngiti kong sagot.
Ngumiti din sya sa akin. Nakatitig lang nang diretso at naka tayo parin ng tuwid.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...