Chapter 36

5.6K 134 3
                                        

CHAPTER 36

KATE POV

Nandito kami ngayon sa UP para mag renew ng contract namin at magbigay ng reports and updates about sa two years namin sa Japan.

Nag usap-usap kami na dito magkikita sa harap ng Fine Arts building kasi dito malapit ang office ni Dr. Melandrez na syang taga hawak ng record namin.

Nakita ko agad ang mga kaibigan ko, pati narin ang ibang mga ka partner namin na excahange scholarship nato.

Hi Haru Imako ang naging exchange partner ko. Architecture ang course nya dito, wala pa sya kasi may klase pa raw kaya nandito pa kami ngayon at nag-aantay.

Mag-isa lang akong lumapit sa kanila, kasabay ko na naglakad ang isang pakareho ko lang ang height maputi rin at naka backless syang damit na kitang-kita ang likod nya. Nakatitig sya sa akin na naka taas ang isang kilay, pero nginitian ko parin, dumiretso ako sa mga kaibigan ko na nauna na ng kunti sa akin.

Habang nakaupo kami sa study bench at nag-uusap, may nakita akong isang familiar na mukha na nasa 2nd floor ng building na nasa harap namin, may kasama sya at parang nag-uusap sila. Nakatingin sila sa amin. Naka sun glasses ako kaya i know hindi halata kung titingnan ko rin sya pabalik.

Medyo lumaki ang katawan nya, pumuti pa sya lalo at gumwapo pa. Si Jelo yun, ang taong gusto kung iwasan kung pwede. Ang taong ayaw ko na sanang makita pa kung maaari.

......

LUCY POV

Papasok ako ng College building namin nang nakita ko ang isang maputi at kulot ang dulo na buhok nya, halatadong maganda at parang bago lang sya dito kasi ngayon ko lang siya nakita. Parang familiar ang hugis ng mukha nya at ang matang naka tingin sa akin na parang anghel.

Nakasuot sya ng puting sleeveless upper at polka dot skirt. Napa ka conservative ang style pero litaw parin ang pagka hot at ganda nya. Naka cinderella shoes sya na halatang pormal ang get-up nya.

Nung magkapantay na kami, tinitigan ko sya habang naka taas ang isang kilay ko, pero ngumiti lang sya sa akin. Ar sa ngiti nya, dun ko sya naalala.

Huh?! Kaya pala familiar, si Kate! My worse nightmare. Ang babaeng kinuha ang lahat sa akin. Ang babaeng kinasusuklaman ko.

Nakita ko na lumapit sya sa isang grupo ng mga naka tambay sa harap ng building, nakita ko na si Richard na agad siyang sinalubong at sinabayan papunta sa mga kasama nila.

"hi friend" ang sabi ng bestfriend kong si Mariz na naka pukaw ng atensyon ko.

"hello dear!" at nakibeso-beso ako.

"mga exchange scholars daw yan sila at sabi kanina ni Dr. Melandrez may ipapagawa daw siya sa mga yan" aniya Mariz.

"ganun ba? Well i dont care!" maarte kong sinabi.

Nakita namin silang pumasok sa building at pararehong umakyat ng stairs papuntang second floor. Naka sunod lang kami sa kanila habang pinagmamasdan ko si Kate na mahinhing naglalakad kausap si Micky at isa pang kaibigan.

Napansin ko rin na marami na atang nakatingin sa kanila at halos ang mga lalaki ay naka tingin sa kanya. Bwesit parang aagawan pa ata ako ng korona dito sa college namin ah.

Nagsasalita sila ng Japanese habang nag-uusap at naka tingin sa bulletin board. Ang yayabang nila. Bwesit na mga taong to.

Napadiretso ang tingin ko sa malayo at nakita si Jelo na titig na titig kay Kate, parang may something sa titig nya na hindi ko maexplain, nainis ako bigla. Naka ramdam ako ng kaba habang nakatingin kay Jelo na pinagmamasdan si Kate.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon