CHAPTER 10
JELO POV
Nakikita ko na nagla-like si Kate sa mga post ko. Umiinit ang pisngi ko kasi parang nahuhuli nya na akong patay na patay sa kanya.
Naka harap ako ngayon sa laptop ko at naka estatwa sa panonood ng mga pictures nya. Nagsi- save ako ng mga pictures nyang magustuhan ko.
Damn, halos lahat nalang ng pictures nya nasave ko na. Kulang nalang magsalita ang laptop ko at umayaw na.
Im fucking inlove with her since the day i saw her sa pool.
Flassback Mode:
Kakauwi ko nun galing sa bakasyon sa states, sumama ako sa paghatid sa mga pinsan ko kay Anna sa sports complex dahil nagti-training sya nun para makapasok sa varsity team ng school nila.
First year high school sya nang maisipan nya mag training sa swimming. Ako naman nasa second year high school na at tennis ang sports ko that time. Every summer lang ako nagte-training sa swimming noon, nabago lang nung nag lipat ako ng school sa U-East na dati ring school ng Mom ko.
Nung nakapasok na kami sa pool, nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko na mga swimmers din. Tumambay kami sa tabi ng pool, sa waiting area kasama ang dalawa kong pinsan na sina Clayton at Rafael.
Habang pinagmamasdan ko si Anna kasama ang mga kaibigan nyang nagwa-warm-up at nakikipag kwentuhan. May biglang umagaw ng atensyon ko. Isang girl na nakasuot ng pink na shorts at printed shirt. Naka hair-bun ang buhok nya. Maputi at matangos ang ilong, chinita at slender ang katawan.
Lumapit ito kay Anna at niyakap si Anna ng mahigpit. Nagkwentuhan sila at sabay na naghubad ng damit. Naka blue syang swimsuit na speedo na pareho kay Anna ang style. Nung binaba nya na ang shorts nya, nakita ko ang kumikinang nyang legs na sobrang puti. Hindi ko alam kung ano itong wierd na nararamdaman ko na parang ayaw ko syang pahubarin.
Tinap ako ni Clayton sa balikat, uuwi na kami. Mabilis kaming umalis sa kinauupuan namin at nadaanan namin si Anna na pababa na sana ng pool.
"Ann, we'll go ahead" sabi ni Clayton.
"okay, thanks ulit sa paghatid" sabi ni Anna.... "by the way Kate mga pinsan ko. Si Raf, Clayton at si Jelo" pakilala ni Anna sa amin.
"hi?" ngumiti sya sa amin. Nakita ko na kapag sa malapitan pala, para syang anghel. Ang ganda nya at maputi sya namumula at yung hindi kulay maputla.
Nag-wave lang kami sa kanya at nauna nang umalis. Pero simula nun, sya na ang ultimate crush ko.
Naging malala pa ang pagka gusto ko sa kanya nung naging mag ka team mate kami. Kahit hindi nya ako pinapansin sa school at sa mga training namin, patuloy ko parin syang nagugustuhan.
......
Dun ako unang nagkagusto sa kanya at nagtulo-tuloy na hanggang ngayon. Ako yung tipong hindi magpapahalata pero nagpipigil na pala. Si Kate lang talaga ang nagustuhan ko, lalo na nung nalaman ko pang matalino sya, talented at hindi maarte sa katawan.
Yung pagkagusto ko sa kanya, nag root talaga na dapat sya ang amging first girlfriend ko at sana din maasawa ko. Sana....
Habang nakaharap ako ngayon sa monitor ng computer ko. Nakita ko na nagchange ng profile picture si Kate.
Napangiti ako sa picture nya. Naka school uniform sya na may dalang stuff toy na naka uniform din.
Simple yet very pretty. Nakita ko panu mabilis na dumami ang likes at may iilan na nagcomment pa.
Agad ko syang sinendan ng message.
'Cant sleep?, love your new profile pic. I wish i can display that to my wall too.'

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
General FictionNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...