CHAPTER 63
MINT POV
Wala si Jelo kasi may binisita silang site, si Kate naman nasa trabaho. Nandito sa bahay si Jeko. Masaya ako kasi sa amin nila iniwan itong baby ko. He's turning four three months to go. Malaki na sya at napaka talinong bata. Responsible at napakabehave nya unlike sa ibang bata na makulit. Sya makulit pero alam nya ang limit nya.
Nasa harap sya ngayon ni Mom at tanong ng tanong about sa mga flowers, buti nalang si Mom naaliw din sa kanya. Hinahanda ko kasi ang uulamin namin sa lunch dito sa kitchen.
Habang nasa harap ako ng ref, nakita ko si Jeko na naglalakad sa salas.
"kuya?" tanong ko sa kanya.
"im gonna pee tita ninang" sabi nya at diretsong nagpunta ng common CR sa tabi ng hagdan.
Bumalik narin ako sa loob ng kitchen para ipagpatuloy ang pagluluto ko.
Maya-maya ay pumasok si Mom sa kitchen.
"nakita nyo ba si Jeko?" tanong ni Mom.
"hindi pa ba nakabalik sayo dun sa garden Mom?" tanong ko pabalik sa kanya.
"hindi pa, kaya nga hinahanap ko kasi natagalan ata" sabi ni Mom.
"nasa cr pa siguro Mom" kalmado kong sabi.
Bumalik si Mom sa garden, iniwan ko si Manang sa kusina at pumunta ng cr, pagbukas ko wala si Jeko. Baka nag-ikot lang yun sa bahay o kaya nasa aquarium ni Jack.
Umakyat ako sa kwarto ko para sana magpalit ng damit kasi natapunan din ako ng sauce. Paglabas ko ng kwarto, nakita kong bukas ang kwarto nina Jelo, dinaanan ko na para sana isara ito. Hawak ko na ang door knob nang bigla kong napansin ang slippers ni Jeko sa harap ng bed. Mas nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko syang nakahiga at balot ng kumot at nakatalikod sa akin.
Napangiti ako, nakapatay ang aircon pero nakakumot sya. 11am palang antok na sya agad?
Nilapitan ko sya para sana yakapin. Pero pagdapat ng makay ko sa kanya nabigla ako kaya ang imit nya kahit may kumot sya. Agad kong inalis ang kumot at pinaharap sya sa akin, wala na syang malay at sobrang putla nya na.
Nagpanic ako. Binuhat ko sya at tumakbo pababa ng hagdan at tinawag si Mom.
"what's wrong?" agad na salubong ni Mommy sa akin.
"Mom si Jeko, walang malay at mainit" kabado kong sabi.
Kinuha nya si Jeko at nilapag sa sofa. Nakapikit ito at putlang-putla na. Pero mainit parin ito.
"sabihan mo ang driver na iready ang kotse, bilis" utos ni mom sa katulong namin. Dating nurse si Mommy sa States kaya kalmado sya habang pinupulsuhan si Jeko.
"mahina na ang pulso nya, sabihin mo kay Tonyo bilisan nya" utos ulit ni Mom sa isa pang katulong namin.
Kabado ako at parang naestatwa habang nakatingin kay Mommy na kinakabahan narin.
Binuhat ni Mom si Jeko at sumunod ako nung narinig nya ang kotseng bumusina sa labas. Si Dad yun, maaga syang uuwi kasi alam nyang nandito si Jeko.
Tumakbo si Mom buhat si Jeko palabas ng gate at kasunod ako.
"what's happening" bungad ni Dad na tanong at kinuha si Jelo kay Mom.
"hindi namin alam, nawalan sya ng malay" sabi ni Mom at pumasok narin sa loob ng kotse. Tumabi sya kay dad sa backseat at ako naman sa passenger seat umupo.
"goddammit!" bulong ni Dad habang kandong nya si Jeko na wala paring malay at namumutla narin ang labi nito.
Umiiyak na ako sa kaba, hindi ko rin halos alam ang gagawin ko.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Ficción GeneralNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...