CHAPTER 62
JELO POV
Kabuwanan na ni Kate. Everybody in the house is very excited kaya naman lumipat muna kami sa bahay ng parents ko para mas malapit sa hospital if ever manganak sya ng wala sa planong oras.
Binigyan sya ng 3 months maternity Leave. Tatlong linggo narin syang nakatambay lang sa bahay at nabobored narin sya pero wala syang magawa kasi this time, si Mom na at si Ate ang nagsasabi sa kanya na magpahinga na muna sya from work.
Mahimbing ang tulog nya ngayon, kanina nagrereklamo sya na masakit na ang tiyan nya pero wala pa namang signs kaya hindi mo na kami nagworry.
Ang cute nya, ang laki ng umbok ng tiyan nya at minsan panay ang galaw ng baby. Kahit na tumaba sya ng kaunti maganda parin si Kate, sabi nila basta ganun daw lalaki at gwapo ang baby, sana mana kay Kate lahat, loob at labas para makakita ako ng lalaking version ni Kate.
Matutulog na sana ako nang maramdaman ko syang gumalaw at tumayo sya. Na-iihi na naman siguro. Hinayaan ko nalang kasi ayaw ko naman maging oa sa lahat ng bagay, baka mas lalo lang sya kabahan.
"Ahhh!.. Mine?!" mahinang sigaw nya sa CR, bumangon agad ako at tumakbo papasok ng CR, naabutan ko syang nakatayo at nakatukod ang kamay sya sa wall.
"Mine are you okay?" tanong ko kaagad sa kanya at inalalayan sya.
"Mine, lalabas na ata?!" pigil nyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng dugong tumutulo sa paa nya at sa puting tiles ng sahig sa CR.
Inalalayan ko sya palabas ng kwarto at buti nalang naisipan naming maglipat muna ng room dito sa baba para hindi sya mahirapan. Pinatayo ko sya sa tabi ng sofa at tumakbo paakyat sa kwarto ni Mom at Dad. Kinatok ko narin sina Ate at Kuya. Buti nalang at mabilis din silang nagising at tumulong sa amin.
Si Kuya Jack ang nagmaneho papuntang ospital, Si ate Mint naman ang may dala ng mga gamit namin at ng baby, at ako ang umaalalay kay Kate.
Pagdating sa ospital, agad pinasok si Kate sa delivery room kasi namutla na to. Kabado kaming lahat kasi sabi ng doctor sa last check-up baka hindi kayanin ni Kate ang normal delivery dahil mahina ang resistensya nya.
Bahala na si Batman! Mas gusto ko pa ngang macesarean nalang sya para hindi na sya mahirapan.
Halos dalawang oras din kaming naghintay sa labas ng delivery room, maya-maya lumabas ang Doctor at sinabing okay na at nakaya ni Kate ang normal delivery.
"8 Pounds baby at napaka laki nya but we have to double check the baby, nasa incubator pa sya. Weak ang heart beat nya." nawala ang ngiti ko sa sinabi ng Doctor sa amin. "Lets wait for the result of the check-up and the new born screening" at agad bumalik sa loob ang Dorctor.
After 5 hours, nalipat na si Kate ng room. Natutulog parin sya ngayon at ito ako kabado para sa baby namin. Nandito narin ang family ni Kate, nandito si Mama at Papa. Si ate Kristy, kuya Kevin at Tanin, Si Kim at Holey nandito rin.
Tahimik kaming lahat sa loob ng room nang biglang may kumatok, si Holey ang nagbukas.
"Jel, may nurse" sabi nya at agad ko naman hinarap ang nurse sa pintuan.
"Sir, nasa nursery na po ang baby nyo, kakalipat lang. Number 8 po ang baby. Pwede nyo pong dalawin." pagkasabi ng nurse at pagtalikod, agad na nagtayuan ang lahat nang nasa kwarto at ready nang lumabas. Napatawa ako sa saya nang magmadali ang lahat sa kakatakbo papunta sa nursery room.
Halos lahat kami nagpunta ng Nursery Window at dinungaw ang baby. Ang gwapo ng anak ko. Woooaaahhh! Natutulog ito at balot na balot sa color blue nyang lampin. Halos hindi kami magkasya sa window sa kakadungaw, tapos nandito pa si Holey at Kim na parang gustong basagin ang window sa kakadikit ng mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Fiksi UmumNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...
