CHAPTER 25
KATE POV
Naging masaya kami ni Jelo, kahit nasa long distance relationship kami. Nasa UP Diliman sya nag-aaral ng Architecture at ako naman nasa senior year level na ngayon.
Limang Buwan na kaming hindi magkasama, pero every night lagi kaming nag uusap through skype or FB video call. Pareho kaming nagpupuyat mag aral at sabay din natutulog kahit through monitor lang kami pero we maintain our sweetness.
Magkasama sila ni Kim sa UP nag-aaral at pati narin sa isang apartment pero tag-isa sila ng room, bestfriends nga sila diba?, Si Kimboy Business Ad ang kinukuha nya kasi gusto nyang tulungan ang Dad nya sa negosyo.
Samantalang sina Jay, Ate Mich at Ate Tiny naging varsity scholar sila ng San Carlos sa Cebu. Manila sana ang pipiliin nila kaya lang ayaw nilang maghiwalay na tatlo kaya dun ang pinili nila.
Samantalang kaming Tres Marias, ganun parin ang trip everyday. School-pool ang routine araw-araw.
Last week nag try-out din kami para makakuha ng mga scholarship program ng mga universities. Excited kami kung anong school ang mapapasukan namin. Nagkaisa kaming tatlo na maghiwa-hiwalay kami para masuper miss namin ang isat-isa.
Katatapos lang ng klase ko, wala kaming training ngayon kaya maglalakad lang ako pauwi para makapag exercise din ako ng walking pag may time. Kainis kasi sila Anna at Arly, may pupuntahan daw sila mamayang gabi kaya magmadali silang uuwi.
Simula ng umalis si Jelo hindi na ako permitted mag night life, sabi nya magagalit sya pag marinig nya or mahuli nya ako. Pag-sinimulan ko raw na gagawin nya rin doon sa Maynila para fair daw kami.
Inilagay ko ang headset ko sa magkabilang tenga ko at nagpamusic na. Nagsimula na akong maglakad kasi hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school.
'si Jelo tumatawag' agad kong sinagot ang call gamit ang headset ko.
JELO POV
Sembreak na namin, sabay kami ni Kim umuwi at sinekreto namin kay Kate, only kay Kate ang pag-uwi namin kasi gusto ko syang isurprise.
Pagdating ko sa bahay, naligo ako at nagbihis agad kahit pagod pa. Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagmadaling pumunta na sa school namin dati para maabutan sya.
Nakita ko ang ka-klase nya na palabas ng campus, kaya hindi ako nag-atubiling magtanong agad, tinanong ko kaagad kung nasaan sya, sabi naman nito kakalabas lang ng school.
Agad kong siyang tinawagan para alamin kung nasaan sya.
Napapangiti ako habang naghihintay ng pag sagot nya sa tawag ko. Namimiss ko na sya ng sobra. Sa ilang buwan kaming hindi magkasama, ang mga pictures nya sa FB ang kinabaliwan ko.
"helo mine!" masayang bati nya sa akin.
"hi mine, musta araw mo? Tanong ko parati every time tumatawag ako.
"eto ok lang naman Mine, ikaw musta naman araw mo?" tanong nya rin sa akin.
"okay lang din mine, pagod ng kunti kasi kaka-exam ko lang. San ka?" tanong ko habang nakasunod ang sasakyan ko sa likod nya.
"huh? Pauwi na ako. Naglalakad lang. Maingay ba?" my very honest girl.
"hindi naman masyado, bakit naglakad kalang? Wala kana bang pera? Sumabit ka nalang sana sa jeep mine" tanong ko na may halong pagluluko.
"nang-iinis kaba?" napatigil sya sa paglakad "parang napaka sad ng life ko ngayon. Feeling ko lahat ng tao busy" matamlay nitong sabi at nakita ko pang sinipa nya ang isang maliit na bato.

BINABASA MO ANG
Broken Inlove
Ficção GeralNaging... #1 Childhood Ang magmahal at maghintay nang walang kapalit. Ang umasang maging maayos at babalik sa dati ang lahat. Ang mangarap na magiging kayo rin ulit sa huli... walang masama ang umibig ng sobra kung ang taong mahal mo at hinihintay...